News Gram: September 2017 Issue No. 34

September 11, 2017

-September, 2017 Issue No. 34-

NEWS UPDATES

Maligayang ika–apatnapu’t isang (41st) pagdiriwang ng pagkakatatag ng NOVADECI. Congratulations sa ating lahat!

Sa mahigit apat na dekada ng pananatili natin ay marami na tayong dapat ipagpasalamat. Una ayon sa research na ginawa ng isang guro sa Ateneo, ang ating kasapian ay ang mga masisipag at matiyagang nasa lower middle Class. Ayon sa kanilang pag-aaral, tayo ay nakalikha ng isang pangkat ng mga tao sa Pilipinas na mahusay sa pangangalaga ng pera. Alam natin kung kanino tayo kukuha ng puhunan at alam din natin kung magkano ang kinikita ng ating nilalagak na puhunan. Nakakatuwang malaman na ang mga kasaping kanilang naging bahagi ng interview ay klaro sa kanila kung ano ang naitulong ng NOVADECI sa kanilang pamumuhunan sa negosyo Ayon sa profile ng ating kasapian, 70 % ng ating membership ay kababaihan. Ang marami ay nasa 46-59 ang edad, nasa high school at college graduate ang majority, at marami ang may asawa na. Karamihan sa ating kasapi ay may maliliit na negosyo. At nakakatuwang isipin na naging aware na rin tayo sa hirap ng buhay sapagkat marami sa atin ay nasa 3-4 na lang ang dependent ibig sabihin 2-3 anak na lamang ang nagiging desisyon ng mag-asawa.

 

Sa resulta ng pag-aaral, masasabi nating may sapat na tayong datos upang maipakita sa lahat na may saysay na tayo sa ating komunidad. Subalit kailangan pa nating pagbutihin ang ating mga serbisyo katulad ng pangangalaga sa kalusugan at pagsubaybay sa mga naging livelihood training natin. Malaki pa ang hamon sa ating kooperatiba, kasama na nito ay ang seryosong pag-aaral upang lumikha ng negosyo nang sa ganon ang ating mga kasaping walang gaanong talento sa pagpapatakbo ng negosyo ay maging bahagi ng working force ng NOVADECI. Sa kabila ng ating mga tagumpay, marami pa tayong dapat pagtulung-tulungan upang maganap ang ating mga pangarap.

 

Muli Congratulations at maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta sa ating mahal na NOVADECI ngayon at sa darating pang mga panahon. Sumaatin nawa ang pagpapala ng Poong Maylikha.

 



 

Halaga ng Christmas Loan,Halaga ng Christmas Loan, tumaas na!

Sa lahat ng mga kasaping tumugon sa aming panawagan makiisa sa pagkalap ng mga bagong kasapi maraming salamat po. Dahil sa inyong malaking tulong ang kabuuang bagong  kasapi sa buwan ng Agosto ay umabot sa bilang  na 769.  Patunay lang na kung lahat tayo  ay magtutulungan  ay gagaan ang ating mga gawain at madaling maabot ang ating mga pangarap. Bilang pagpapasalamat sa inyo, ang ating Lupon Patnugutan ay nagpasyang dagdagan ang loanable amount  ng Christmas Loan sa halagang P50,000.  Subalit iiral pa rin ang patakaran  ayon sa inyong kakayahan at batay sa Share Capital. Hangad po namin na lalo kayong suportahan sa inyong pamumuhunan. Marami pong salamat sa inyong malawak na pag-unawa.

 

Patuloy po ang  “member gets member” promo.  Ang sinuman kasapi na nakapagkalap ng bagong membro ay binigbigyan natin ng  2 kilong bigas at 50 pesos sa bawat isang recruit. Paki-usap po namin sainyo na magtulungan tayo upang palaganapin ang diwa ng kooperatiba. Palagi natin isa-isip na ang mabuting nagawa ng NOVADECI sa ating mga pamilya. Hayaan natin ibahagi ito sa iba.  Kung magtagumpay tayo, hindi ba dapat hangarin natin magtagumpay din ang ating kapwa?… Ang tagumpay ng ating pamayanan ay palatandaan ng ating  pagmamalasakit sa ating kapwa. Gawin natin ang  munting kakayahan upang makatulong sa paglutas ng kahirapan.

 



MISA PASASALAMAT Inaanyayahan ang lahat ng kasapi na dumalo sa ating Misa Pasasalamat tuwing unang Biyernes ng buwan



 

EDUCATION AND TRAINING SERVICES

A.PRE-MEMBERSHIP EDUCATION SEMINAR (PMES)

DATETIMEVENUE

September 3

September 23

September 23

September 23

September 23

September 23

September 23

1:00pm – 4:00pm

9:00am – 12nn

1:00pm – 4pm

9:00am – 12nn

9:00am – 12nn

9:00am – 12nn

9:00am – 12nn

5th floor Main Office

Camarin Branch

Bagong Silang

Fairview

Lagro

Muñoz

Tandang Sora

 

PMES – Daily (9am – 11am/2pm – 4pm) – para sa mga abala sa kanilang mga trabaho at negosyo.

 

MEMBERSHIP REQUIREMENTS:

  • Tatlong pirasong 2×2 at isang pirasong 1×1 litrato (white background)
  • Payslip o Sertipiko ng Empleyo para sa mga empleyado
  • Business Permit
  • Kopya ng “billing” tulad ng Meralco/PLDT/Bayantel
  • Marriage Contract /Birth Certificate (member, dependents, benefiaries)

 B.BALIK-ARAL SCHEDULE

Main Office Quezon City Branch

Thursday

9am – 11am & 2pm – 4pm

Camarin Caloocan City Branch

Tuesday

9am – 11am & 2pm – 4pm

 C. KOOP TALAKAYAN SA IBA’T-IBANG AREA

DATE                            TIME                                        VENUE                                                                                     
September 91:00pm – 3:00pm3rd flr. Brgy.Hall North Fairview
September 99:00am – 11:00amMalipaka st.,Brgy.Pasong Putik
September 149:00am – 11:00amBrgy.176, Covered CourtBrgy.176, Covered Court Bagong Silang, Cal.City
September 201:00pm – 3:00pmMuñoz Office
September 229:00am – 11:00amTandang Sora Office


D. Sa bawat recruit natin na miyembro ay mayroong katumbas na
 D. MEMBER GETS MEMBER PROGRAM

 P50.00 + 2 kilos of Rice

Aming inaanyayahan ang mga kasapi na magpatuloy sa paghikayat ng mga bagong kasapi sa pamamagitan ng ating Member Gets Member Program. Paalala po lamang  na hikayatin natin ay mabubuting tao at may source of income.



SEPTEMBER is GENERIC AWARENESS MONTH

Ang Generics Awareness Month ay isang buwanang pagdiriwang na ginaganap tuwing September upang itaguyod at tiyakin ang pamamahagi, pag-gamit at pagtanggap ng mga gamot sa kanilang Generic Name.

 

Ang Generic na pangalan ng lahat ng mga gamot ay dapat nakasulat bago ang branded na pangalan sa lahat ng reseta, bote, kahon, at labels nito.

 

Sa ilalim ng Republic Act 6675 or Generic Act of 1988 ang mga doctor, dentista at beterinaryo ay kinakailangan isulat ang Generic Name ng gamot sa kanilang reseta (ang brand name ay optional lamang at dapat nakapaloob sa parenthesis). Ang nasabing batas ay nagbibigay daan din upang makapamili ang mga pasyente ng mas mababang halaga ngunit de kalidad na mga gamot na kanilang kailangan.

 

Ugaliin ang pagbisita at pagtangkilik sa ating NOVADECI Drugstore sa Ground Flr ng ating Main Office para sa mga karagdagang kaalaman tungkol sa Generics.

 

Bukas mula 7am to 6pm Lunes hanggang Biyernes at 8am to 5pm tuwing Sabado.



 

Paunawa:

Ang lahat na magrerenew ng NHCP sa buwan ng September ay pwede na kayong mamili ng inyong nais na bayarang kontribusyon at gayundin kung nais ninyong baguhin ang petsa ng inyong renewal na maging tuwing birthday nyo na ito ay pwede ng gawin. Nakalahad sa ibaba ang inyong iba’t ibang options:

AmbagMax Hospitalization Benefits ng member Annual Physical Exam
60010,000FBS/Urinalys
1,00010,000Complete Laboratory test
1,50015,000CompleteLaboratory test + Accident Insurance

Note: Walang pagbabago sa halaga na matatanggap ng tangkilik. Mayroon pa rin unlimited check-up sa kasapi at tangkilik nito.



Ang NOVADECI ay Partner Agent na ng SSS

Inaanyayahan po namin ang lahat na nais maging member ng SSS ang NOVADECI po ay accredited na ng SSS noong pang  June, 2016,  layunin nito na hindi na maabala ang inyong panahon sa mahabang pila sa SSS office kaya’t nagsikap po tayo na maging accredited  ang NOVADECI ng  SSS upang higit na makatulong  sa members.   Tayo po ay tumatanggap ng bayad sa contribution o Loan sa SSS at pwede na rin magfile ng membership kailangan lang dalhin ang original na  Birth Certificate.

 

Ang SSS po ay malaking tulong sa panahon ng ating pagtanda sa pamamagitan ng pension na tatanggapin. Sapagkat isa ito sa pamamaraan upang makaipon tayo. Nais natin ihanda ang ating mga sarili sa panahon hindi na natin kayang maghanap buhay na hindi tayo aasa  sa ating mga anak at upang hindi natin gustong maging      pabigat sa kanila.

 

Halina’t sumali sa SSS kung ikaw ay wala pang 60 years old o nais ipagpatuloy ang SSS na nahinto  dahil kung walang kang 120 months contribution ay hindi ka pa qualified na tumanggap ng pension

 

Para sa karagdagang katanungan, magsadya sa  Allied office sa ground floor ng NOVADECI building at hanapin si  Beverly  Libertad.

 



PASASALAMAT SA IKA-41 TAONG PAGDIRIWANG

Maraming dapat pasalamatan sa ngayon pagdiriwang

Mga Unang manggagawa at opisyales ng ating samahan

Mga kasapi na nagbigay tiwala ng kanilang Saping Puhunan

Kung hindi dahil sa mga nauna, Ang NOVADECI ay wala

 

Kung sa umpisa walang Opisina

Ngayon ay may iba’t ibang Gusali Na

Ang dating pitungpu nag-umpisa

Ngayon ay mahigit apa’t-napung libo na

 

Ang dating kawaning isa ay naging isang daan pitumpu na

Kung noon ang kinikita ay libo ang halaga ngayon ay mahigit daang milyon na

Noon ang pangkalahatang pagpupulong ay kung saan saan lang,

Ngayon masayang nagpupulong sa ating lupain nabili na

 

Ang unang pitong libong pisong ari-arian, ay umabot na mahigit dalawang bilyon na

Ang masalimot na pagpupulong ay naging payapa na

Kaya’t sama-sama tayong manalangin at pasalamatan Siya

 

Dakilang Poon May likha, Ikaw nga at walang iba,

Ang nagkaloob ng masaganang bunga.

Tunay nga na sa pagkakaisa, Ang mahirap ay magiging Maalwan.

Maraming salamat mga kasama sa Tiwala at Pagpapahalaga

 

Posted in News Gram by Edison Bacarisas