News Gram: October 2017 Issue No. 35

October 12, 2017

-October, 2017 Issue No. 35-

NEWS UPDATES

 

Oktubre ang Buwan ng KOOPERATIBA

Sa bisa ng deklarasyon ng Pangulo sa Proclamation No. 493 Serye ng 2004, ang buong kilusang kooperatiba ay nagdiriwang  taun-taon  sa  buong  buwan ng Oktubre. Sa ngayon ang tema ng pagdiriwang ay COOPERATIVES:  Empowering the poor and the vulnerable toward job creation and Poverty Eradication. Mahalagang tingnan natin ang bawa’t isang kasapi kung talaga bang nakakatulong tayong maibsan ang kahirapan. Sa ngayon unti unti natin nakikita na hindi sapat ang magbigay lang ng pautang upang makapagnegosyo ang ating mga kasapi. Kailangan din natin linangin ang kanilang kakayahan sa pagpapatakbo ng kani-kanilang  negosyo. Subalit malaking salik sa tagumpay ay ang disiplina sa sarili. Pagtulung-tulungan natin na maibalik ang mga mabubuting ugali na minana natin sa ating mga ninuno na maging tapat at simpleng mamuhay.  Hindi mahalaga ang mga materyal na bagay na ating pinagkakaabalahan at lalong  hindi makakatulong sa ating pagkalito kung ano ang kailangan at ano ang gusto sa buhay. Sa bisa ng deklarasyon ng Pangulo sa Proclamation No. 493 Serye ng 2004, ang buong kilusang kooperatiba ay nagdiriwang  taun-taon  sa  buong  buwan ng Oktubre. Sa ngayon ang tema ng pagdiriwang ay COOPERATIVES:  Empowering the poor and the vulnerable toward job  creation and Poverty Eradication. Mahalagang tingnan natin ang bawa’t isang kasapi kung talaga bang nakakatulong tayong maibsan ang kahirapan. Sa ngayon unti unti natin nakikita na hindi sapat ang magbigay lang ng pautang upang makapagnegosyo ang ating mga kasapi. Kailangan din natin linangin ang kanilang kakayahan sa pagpapatakbo ng kani-kanilang negosyo. Subalit malaking salik sa tagumpay ay ang disiplina sa sarili. Pagtulung-tulungan natin na maibalik ang mga mabubuting ugali na minana natin sa ating mga ninuno na maging tapat at simpleng mamuhay.  Hindi mahalaga ang mga materyal na bagay na ating pinagkakaabalahan at lalong  hindi makakatulong sa ating pagkalito kung ano ang kailangan at ano ang gusto sa buhay.

Ang NOVADECI  po ay patuloy na nag-aaral kung paano natin tutugunan ang panawagang ito.  Sa ngayon ay nakalilikha na tayo ng trabaho, mayroon na tayong  mga construction workers na patuloy na binibigyan ng trabaho sa pamamagitan ng mga repairs at maliliit na construction na ating pinagagawa. At may garments na sinusubukang maging operational ng tuloy tuloy upang magkaroon ng regular na mananahi.  Ginagawa natin ang lahat ng ito sapagkat naniniwala kami na hindi lahat ng kasapi ay may kakayang magnegosyo at ang ilan ay nangangailangan ng trabaho.

Pangarap natin na hindi lang ibsan ang kahirapan kundi hindi na ito mabalikan ng ating mga anak. Kaya’t gusto natin siguraduhin ang  proteksyon ng bawa’t isa.  Sapagkat naniniwala kami na kung ang kahirapan ay malulunasan sa ating komunidad, mas masayang buhay ang  ipamamana natin sa ating mga anak.

Maligayang buwan ng kooperatiba sa ating lahat.

 



 

NOVADECI MEMBERS SOCIAL BENEFITS  (NMSB)

Ang buwan ng Nobyembre  ay idineklarang buwan ng NMSB ng ating Board of Directors. Nais naming kayong anyayahan na mag update ng inyong  abuluyan upang  walang maging problema sa inyong mga claims. Bilang pagpapahalaga sa inyo bilang kamay-ari, nais namin kayong imbitahan na ayusin ang inyong negatibong balanse.

Ang sinuman mag-aayos ng negatibong balanse ay hindi maaapektuhan ang kanilang  tagal ng membership at  walang babayaran penalty.  Ang  kaluwagan ito ay  para sa buwan ng Nobyembre lamang. Kaya’t atin samantalahin ang pagkakataong ito, lalo na kung kayo ay malapit ng maging exempted sa pag-aabuloy. Kapag nabayaran ninyo ang kabuuang halaga ay maaari na ninyong ma avail ang benepisyo.

Halina’t ipamalita sa ating mga kasama, kapatid, magulang at kaibigan ang mensaheng ito.

Para sa karagdagan katanungan, magsadya sa anumang sangay ng ating opisina.

 



 

PAALALA

Inaanyayahan ang lahat ng kasaping senior citizen na may edad 70 taon pataas na dumalo sa gaganaping Forum sa Oct. 21, 2017 sa ganap na ika-9 ng umaga sa 5th floor, Main Office. Para sa karagdagan kaalaman tumawag sa 576-2667 local 402 hanapin si Ms Gretchen Martinez.

 



 

MAHALAGANG PAALALA:

SA LAHAT PO NG MGA KASAPI NA MAGWIWITHDRAW BY REPRESENTATIVE AY KAILANGAN PO NA MAY PIRMA NG DEPOSITOR SA WITHDRAWAL SLIP AT MAY DALANG ID NG REPRESENTATIVE AT MEMBER. ANG IMPLEMENTASYON AY MAGSISIMULA SA OKTUBRE 16, 2017

MARAMING SALAMAT PO.



 

MEDICAL SERVICES SCHEDULE

MAIN OFFICE – Monday to Saturday

  • Laboratory Services – 7am to 5pm
  • Pharmacy Services – 7am to 6pm
  • Pulse-tron Services – 8am to 5pm
  • NHCP APE Services – 7am to 10am
  • Radiology Services – 8am to 5pm


PULSE TRON SS-2000

 

Isang Medical Equipment na nagpoproduce ng pulse wave frequency. Ang ating paa ay may 7,200 nerves o ugat at reflex points. Sa pamamagitan nito ang function ng nerves ay unti-unting binubuhay, pinapaganda ang daloy ng dugo at pinalakas ang ating mahihinang muscles. Ito rin ay nagpapagaling ng mga chronic at acute na sakit gaya ng diabetes, high blood at iba pa. Sa mga walang karamdaman ay maganda rin ito para makaiwas napo tayo sa mga sakit. “PREVENTION IS BETTER THAN CURE”. Best health and happy life.

 



PARA MAY KATUWANG KA SA PAG-AALAGA NG IYONG ACCOUNT, KILALANIN ANG IYONG ACCOUNT OFFICER. MAGSADYA LAMANG SA 3RD FLOOR, CREDIT DEPARTMENT



 

FUNERAL

Nais po naming ipagbigay alam sa lahat na ang Funeraria Novaliches (Camarin at Novaliches) ay accredited ng NOVADECI. Sa mga may kailangan ng kanilang serbisyo, maaari po lamang na magsadya sa NOVADECI upang mabigyan ng referral at malaman ang halaga ng kanilang serbisyo. Nawa ay makatulong ito sa panahon na tayo’y nagluluksa at hindi malaman ang gagawin. Para sa iba pang katanungan mangyaring tumawag lamang po sa numerong 576-2667 loc.103 at hanapin si Meanne Dela Cruz.

 



 

MEMORIAL LOTS

Available sa NOVADECI , maaaring bumili ng CASH o INSTALLMENT. Hanapin si Ms. Janina ng Credit Department o tumawag sa numerong 576-2667 loc. 302

May available lots tayo sa mga sumusunod na Memorial Park

  • Holy Cross – Quirino Highway, Novaliches, Quezon City
  • Forest Park – Continental, Caloocan, Metro Manila
  • Providence Park – San Jose Del Monte, Bulacan


BALIK-ARAL WINNERS

SEPT.28, 2017 – Gift from NOVADECI

NAMEPASSBOOK No.
ARSENIA P. PALACIO736199
MAGDALENA DEL ROSARIO1285504
ROSA BELA GUTIERREZ840401
ERWIN BREZUELA2758409
SALOME RODRIGUEZ2191107
REMEDIOS DE CLARO580896
FILIPINA BERNAS605897
MADELEINE ESGUERRA618197
VENUS GREY3367613
GILBERT FAJARDO602497

 

Halina’t dumalo sa ating “Balik-aral” tuwing Martes, 1pm sa Caloocan Camarin Branch at tuwing Huwebes 1pm sa Main Office Quezon City Branch. Ito ay isang pag-aaral/pagsasanay upang ma-update sa mga patakaran at magkaroon ng tamang gabay bilang kasapi. Halina’t dumalo sa ating “Balik-aral” tuwing Martes, 1pm sa Caloocan Camarin Branch at tuwing Huwebes 1pm sa Main Office Quezon City Branch. Ito ay isang pag-aaral/pagsasanay upang ma-update sa mga patakaran at magkaroon ng tamang gabay bilang kasapi.

Ang lahat ng dadalo sa Balik-Aral ay may pagkakataon na mabunot sa paripa / raffle na gaganapin tuwing huling Huwebes ng bawa’t buwan. May dagdag kaalaman ka na, may pagkakataon ka pang manalo. Salamat mga kasapi sa patuloy na pagtangkilik at suporta.

Maaaring kunin ang inyong napanalunan sa tanggapan ng EDCOM, 5th floor Main Office. Isang buwan (30 days) lamang ang binibigay na palugit upang i-claim o kunin ang premyo na napanalunan.



CBU RAFFLE WINNERS – MAIN OFFICE

PRIZENAMEPASSBOOK# / MEM ID#
1st prize-Oven ToasterDennis R. Manalang463495
2nd prize-Rice CookerJuanito V. Mapula1161803
3rd prize-Desk Fan

Edna B. Braga

Ma. G. Dulce Aguilar

Romeo D. Baylon

Ladyme M. Vicentillo

Edgardo C. Evangelista

3177812

10667

1327304

422512

1551004

4th prize-BlenderYolanda L. Uy294493
5th prize-Spray & Dry Iron

Elicia M. Suson

Marylou O. Jaranilla

Adelina Y. Dela Cruz

Joel D. Alegre

3036311

1408304

407656

420484

6th prize-Electric Kettle

Emelia B. Cabaluna

Virginia C. LLorca

1444604

4283

Magtungo lamang sa 2nd floor, Cashiering Dept.(Information Section) Main Office at magdala ng 2 valid IDs para makuha ang inyong premyo. Ang pagclaim ng premyo ay sa loob lamang ng animnapung araw (60 days)



PANALANGIN

Panginoong Hesus, kami po ay nagpapasamat sa dakilang pag-ibig na ipinagkakaloob Niyo po sa amin. Sa kabila ng kami ay nagkukulang at nagkakasala sa Iyong harapan patuloy ang Iyong biyaya at habag ay ipinagkakaloob sa amin. Amang banal, ang aming patuloy na panalangin ay bigyan mo kami ng ibayong kalakasan upang mapagtagumpayan ang anumang hamon ng buhay. At magawa ang mga bagay na dapat naming gawin nang may kasiyahan sa puso at maibahagi din naman ito sa iba. Maraming salamat Panginoon sa araw araw ng pagpapala at gabay sa amin at sa kooperatiba.

Amen

 

Posted in News Gram by Edison Bacarisas