News Gram: November 2017 Issue No. 36

December 2, 2017

-November, 2017 Issue No. 36-

NEWS UPDATES

ELECOM ANNOUNCEMENT

SA LAHAT NG KWALIPIKADONG KASAPI NA NAIS MAGLINGKOD BILANG NOVADECI ELECTED OFFICER, ANG ELECTION COMMITTEE AY MAGSISIMULA NANG TUMANGGAP NG APLIKASYON NG PAGKAKANDIDATO
SIMULA NOVEMBER 4, 2017
hanggang DECEMBER 29, 2017
LUNES hanggang BIYERNES
10:00am hanggang 5:00PM
at SABADO 9:00am hanggang 12:00nn
MGA BAKANTENG POSISYON:
Board of Directors-4
Audit Committee-1
Election Committee-1
sa mga interesadong miyembro, ipasa lamang ang inyong Aplikasyon ng Pagkakandidato sa ELECOM Office, Ground Floor, Main Office


 

EDUCATION AND TRAINING SERVICES

A. PRE-MEMBERSHIP EDUCATION SEMINAR (PMES)
Para sa mga BAYAD na na HINDI pa nakakapag-seminar, ito na ang inyong huling pagkakataon upang makapag-seminar
NOVEMBER 11, 2017 (Sabado)
1:00pm hanggang 3:00pm
5th floor Seminar Room, Main Office
MEMBERSHIP PROMO
NOVEMBER 14, 2017(Martes)
9:00am-12:00nn at 1:00pm-3:00pm
5th floor Seminar Room, Main Office
PMES – Daily (9am – 11am/2pm – 4pm) – para sa mga abala sa kanilang mga trabaho at negosyo.
MEMBERSHIP REQUIREMENTS:
•Tatlong pirasong 2×2 at isang pirasong 1×1 litrato (white background)
•Payslip o Sertipiko ng Empleyo para sa mga empleyado
•Business Permit para sa may negosyo
•Kopya ng “billing” tulad ng Meralco/PLDT/Bayantel
•Marriage Contract /Birth Certificate (member, dependents, beneficiaries)
B. BALIK-ARAL SCHEDULE
Main Office, Quezon City Branch
Thursday
9am – 11am & 2pm – 4pm
Camarin, Caloocan City Branch
Tuesday
9am – 11am & 2pm – 4pm
C. MEMBER GETS MEMBER PROGRAM
Sa bawat recruit natin na miyembro ay mayroong katumbas na
P50.00 + 2 kilos of Rice
Aming inaanyayahan ang mga kasapi na magpatuloy sa paghikayat ng mga bagong kasapi sa pamamagitan ng ating Member Gets Member Program. Paalala po lamang  na hikayatin natin ay mabubuting tao at may source of income.


Search for NOVADECI BONGGA LOLO at BONGGA LOLA

Coronation Day: February 17, 2018

1st Canvassing: December 8, 2017

2nd Canvassing: January 13, 2018

Last Canvassing: February 10, 2018

 

Ang pagpaparehistro ay hanggang NOVEMBER 17, 2017

 

Para sa pagpapatala, magsadya lamang sa 4th floor BOD Room, Main Office at hanapin si Ms. Gretchen / Senior Citizens Committee

 



NOVADECI MEMBERS SOCIAL BENEFITS  (NMSB)

Ang buwan ng Nobyembre  ay idineklarang buwan ng NMSB ng ating Board of Directors. Nais naming kayong anyayahan na mag update ng inyong  abuluyan upang  walang maging problema sa inyong mga claims. Bilang pagpapahalaga sa inyo bilang kamay-ari, nais namin kayong imbitahan na ayusin ang inyong negatibong balanse.
Ang sinumang mag-aayos ng negatibong balanse ay hindi maaapektuhan ang kanilang tagal ng membership at  walang babayarang penalty. Ang kaluwagang ito ay para sa buwan ng Nobyembre 2017 lamang. Kaya’t ating samantalahin ang pagkakataong ito, lalo na kung kayo ay malapit nang maging exempted sa pag-aabuloy. Kapag nabayaran ninyo ang kabuuang halaga ay maaari na ninyong ma-avail ang benepisyo.
Halina’t ipamalita sa ating mga kasama, kapatid, magulang at kaibigan ang mensaheng ito.
Para sa karagdagang katanungan, magsadya sa anumang sangay ng ating opisina.


NMSB FORUM

Kaugnay sa NMSB Month ngayong Nobyembre, ang lahat ng may malaking negatibong pondo sa Abuluyan / NMSB ay inaanyayahang dumalo sa Nobyembre 18, 2017 – 1:00pm sa Seminar Room, 5th floor, Main Office. Maaaring tumawag sa tel# 576-2667 loc. 102 o 103 at hanapin si Ms. Meanne

 



 

MEDICAL SERVICES SCHEDULE
  • MAIN OFFICE – Monday to Saturday
  • Laboratory Services – 7am to 5pm
  • Pharmacy Services – 7am to 6pm
  • Pulse-tron Services – 8am to 5pm
  • NHCP APE Services – 7am to 10am
  • Radiology Services – 8am to 5pm


PULSE TRON SS-2000

Ito ay isang Medical Equipment na nagpoproduce ng pulse wave frequency. Ang ating paa ay may 7,200 nerves o ugat at reflex points. Sa pamamagitan nito ang function ng nerves ay unti-unting binubuhay, pinapaganda ang daloy ng dugo at pinalalakas ang ating mahihinang muscles. Ito rin ay nagpapagaling ng mga chronic at acute na sakit gaya ng diabetes, high blood at iba pa. Sa mga walang karamdaman ay maganda rin ito para makaiwas na po tayo sa mga sakit. “PREVENTION IS BETTER THAN CURE”. Best health and happy life sa lahat.

 



 

PAYONG PANGKALUSUGAN
KAUNTING KAALAMAN TUNGKOL SA FATTY LIVER
Ang ating atay (liver) ay normal lang na may taba.
Subalit kung ang taba ay mahigit sa 5-10% ng kabuuang timbang ng atay, ito ay maaring maging sanhi ng Fatty Liver.
2 uri ng Fatty Liver Disease:
1.Alcoholic Liver Disease
2.Non Alcoholic Fatty Liver Disease
Para sa check-up ng ating atay (liver) ang NOVADECI Medical Services, sa pakikitulungan ng Sanofi Wintrop ay magkakaloob ng libreng SGPT Screening sa unang 50 pasyente. Ito ay magaganap sa November 10, 2017 sa Main Office Ground Floor sa ganap na alas-otso ng umaga.
First Come, First Serve


BALIK-ARAL WINNERS
October 26, 2017 – Wall clock with Sticker
NAME                                                                     PB#
ANDREI CASERAS                                              2735809
LILIA ALIPIN                                                       3016211
EULOGIO SORILLO                                           485795
Halina’t dumalo sa ating “Balik-aral” tuwing Martes, 1pm sa Caloocan Camarin Branch at tuwing Huwebes 1pm sa Main Office Quezon City Branch. Ito ay isang pag-aaral/pagsasanay upang ma-update sa mga patakaran at magkaroon ng tamang gabay bilang kasapi.
Ang lahat ng dadalo sa Balik-Aral ay may pagkakataon na mabunot sa paripa / raffle na gaganapin tuwing huling Huwebes ng bawa’t buwan. May dagdag kaalaman ka na, may pagkakataon ka pang manalo.Salamat mga kasapi sa patuloy na pagtangkilik at suporta.
Maaaring kunin ang inyong napanalunan sa tanggapan ng EDCOM, 5th floor Main Office. Isang buwan (30 days) lamang ang binibigay na palugit upang i-claim o kunin ang premyo na napanalunan.


MAHALAGANG PAALALA:
SA LAHAT PO NG MGA KASAPI NA MAGWIWITHDRAW BY REPRESENTATIVE AY KAILANGAN PO NA MAY PIRMA NG DEPOSITOR SA WITHDRAWAL SLIP AT MAY DALANG ID NG REPRESENTATIVE AT MEMBER. ANG IMPLEMENTASYON AY MAGSISIMULA SA OKTUBRE 16, 2017
MARAMING SALAMAT PO.

FUNERAL

Nais po naming ipagbigay alam sa lahat na ang Funeraria Novaliches (Camarin at Novaliches) ay accredited ng NOVADECI. Sa mga may kailangan ng kanilang serbisyo, maaari po lamang na magsadya sa NOVADECI upang mabigyan ng referral at malaman ang halaga ng kanilang serbisyo. Nawa ay makatulong ito sa panahon na tayo’y nagluluksa at hindi malaman ang gagawin. Para sa iba pang katanungan mangyaring tumawag lamang po sa numerong 576-2667 loc.103 at hanapin si Meanne Dela Cruz.


MEMORIAL LOTS

Available sa NOVADECI , maaaring bumili ng CASH o INSTALLMENT. Hanapin si Ms. Janina ng Credit Department o tumawag sa numerong 576-2667 loc. 302

May available lots tayo sa mga sumusunod na Memorial Park

  • Holy Cross – Quirino Highway, Novaliches, Quezon City
  • Forest Park – Continental, Caloocan, Metro Manila
  • Providence Park – San Jose Del Monte, Bulacan
Posted in News Gram by Edison Bacarisas