News Gram: May 2018

June 6, 2018

-May, 2018 Issue No. 42-

NEWS UPDATES

ANG PAGMAMAHAL NG ISANG INA

Ang araw ng mga ina ay ating ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng buwan ng Mayo kada taon. Ito ay ipinagdiriwang sa maraming lugar sa mundo kabilang na ang Pilipinas. Sa ating buhay, napakahalaga ng isang ina. Isang ina na nagluwal at nagbigay buhay sa atin, isang ina na nagmamalasakit, nagsasakripisyo, bukas ang kaisipan at handang makinig at higit sa lahat, handang ibigay ang buhay para sa pamilya.

Bilang pagbibigay pugay sa lahat ng mga ina, ang NOVADECI ay kabilang sa mga magbibigay halaga at bilang pagpaparangal sa kanila at pasasalamat sa lahat ng mga ina, ang NOVADECI ay magsasagawa ng mga sumusunod na serbisyo at promo na gaganapin sa NOVADECI Main Office:

Medical Department (May 7 to 12, 2018)
  • Libreng breast examination
  • Libreng 30 minutes pulsetron therapy
  • 50% discount sa papsmear
  • Libreng ABI (Ankle Brachial Index) sa unang 20 pasyente
PROMO (May 7 to 9, 2018)
  • Libreng Hair Cut
  • Libreng Massage
  • Libreng T-shirt sa mga nanay na magpapamember sa NOVADECI sa buwan ng Mayo

Ang lahat ng ito ay para lamang sa mga pinakamamahal nating mga INA.



 

B alik aral ay mahalaga

A tin itong daluhan upang

L along mapalago ang ating kaalaman

I to’y sadyang para sayo

K amay-ari

 

A ng pagpapahalaga sa pagdalo dito ay

R amdam ng pamunuan

A t ng sa gayon lalo pang mapagbuti ang

L ahat ng serbisyong laan para sa buong kasapian.

Maging updated!!! IBA NA ANG MAY ALAM…

 

Maaaring dumalo sa araw ng Huwebes, pumili ng oras sa umaga 9am-12nn o sa hapon 2-5pm sa 5th floor, EDCOM, Main Office at tuwing Martes naman sa Camarin Caloocan Branch 9am-12nn sa umaga o 2-5pm naman sa hapon.

 

Sa balik-aral, matututunan ang pag-compute ng rebates, LGF or loan guarantee fund. Kaalaman sa SPB o share protection benefit, masagot ang inyong katanungan sa ibat ibang serbisyo ng ating samahan (NMSB, NHCP, Loans, Insurance, SSS at iba pa)

Mayroon pang tsansang manalo ng mga pa premyo…

May natutunan kana. May premyo ka pa.



PAALALA

PATULOY PO ANG PAMAMAHAGI NG “SHARE CAPITAL CERTIFICATE” PARA SA LAHAT NG KASAPI.  ITO AY SERTIPIKO NA KATUMBAS NG INYONG SOSYO KAPITAL AT NANGANGAHULUGAN NG PAGIGING KAMAY-ARI NATIN SA ATING KOOPERATIBA.
MAGTUNGO LAMANG PO SA GROUND FLR. ALLIED DEPT AT HANAPIN SI MR. IAN CONEJAR PARA SA IBA PANG KATANUNGAN.

PAUNAWA

Sa mga kamay-ari na nagkaroon ng pagpapalit ng relationship status, pangalan, tirahan, cellphone number, dependents at beneficiaries, magsadya lamang sa Ground floor Allied Department at hanapin si Mr. CHRISTIan Conejar.


PAGSASAAYOS NG ACCOUNT

Sa mga kamay-aring nagnanais maisaayos ang kanilang pagkakautang.
Minsan sa ating buhay, hindi natin maiiwasang dumaan sa pagsubok lalo na’t patungkol sa pinansyal na suliranin. Minsan  maganda ang takbo ng ating negosyo ngunit may pagkakataong dumaranas tayo ng pagkalugi. Kailangan lamang nating harapin nang positibo ang buhay. Dasal at tiwala sa sarili at sa Panginoon ang mabisang sandata upang mapagtagumpayan ang bawat hamon ng buhay. Sa ating kasaping nagkaroon ng problema sa pagkakautang sa ating kooperatiba, nais pa rin ng ating pamunuan na makatulong upang maisaayos ang inyong account. Bukas po ang ating tanggapan upang tumugon at makinig sa inyong pangangailangan. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa ating Loan          Department, 3rd floor upang matulungan kayo kung paano maiayos ang inyong account.

RICE

Patuloy po nating tangkilikin ang ating coop rice. Ang ating mga bigas ay available sa packaging: 2kls, 5kls at 25kls. Varieties: Well Milled Rice, Sinandomeng, Super Angelica, IR-64 (Premium Graded) at Jasmine sa mababang halaga. “Natulungan na natin ang ating mga magsasaka, natangkilik pa natin ang    serbisyo ng ating kooperatiba.”Puwede rin i-avail ang rice loan at maaaring bayaran sa loob ng isang buwan.


MAHALAGANG ANUNSYO PATUNGKOL SA NHCP (PROGRAMANG PANGKALUSUGAN)

ALAM NYO BA NA MAY TATLONG OPSYON NG PAGBABAYAD NG NHCP? TATLONG PARAAN NG PAG-BAYAYAD NG TAUNANG PREMIUM

OPTION 1 – P600

 OPTION 2 – P1,000

OPTION 3 – P1,500

KONSULTATIONLIBRELIBRELIBRE
BENEPISYONG PANG HOSPITALMAXIMUM OF (P2,500.00–10,000.00) sakop ang mga kaukulang dependentsMAXIMUM OF (P2,500.00–10,000.00) sakop ang mga kaukulang dependentsMAXIMUM OF (P3,750.00–15,000.00) sakop ang mga kaukulang dependents
LABORATORYO (kapag hindi nagamit ang benepisyong pang hospital)Fasting Blood Sugar at UrinalysisComplete (9) Laboratory testComplete (9) Laboratory test
BENEPISYO para sa PANGANGANAKKailangan isang (1) taon ng kasapi sa NHCPKailangan isang (1) taon ng kasapi sa NHCPKailangan isang (1) taon ng kasapi sa NHCP
ACCIDENT LIFE INSURANCE (upon death)WALAWALAworth P5,000.00


COOP AKSI

Para sa karagdagang proteksyon sa atin at sa ating pamilya, ang ating kooperatiba ay naghahandog ng panibagong Insurance, ang COOP AKSI na kung saan ang layunin nito ay maproteksyunan ang bawat indibidwal na makakaranas ng aksidente sa labas man o loob ng ating pinagtatrabahuhan o bahay o maging sa ating paglalakbay. Narito po ang Coverage ng COOP Aksi:

BRONZE PACKAGE

(P100.00 / ANNUM)

SILVER PACKAGE

(P185.00 / ANNUM)

GOLD PACKAGE

(P330.00 / ANNUM)

Accidental Death WORTH P20,000.00, Disablement and Dismemberment (per schedule)Accidental Death WORTH P50,000.00, Disablement and Dismemberment (per schedule)Accidental Death WORTH P100,000.00, Disablement and Dismemberment (per schedule)
Unprovoked Murder & Assault WORTH P10,000.00Unprovoked Murder & Assault WORTH P20,000.00Unprovoked Murder & Assault WORTH P50,000.00
Accident Medical Reimbursement WORTH P2,000.00Accident Medical Reimbursement WORTH P5,000.00Accident Medical Reimbursement WORTH P10,000.00
Hospital Income Rider due to accident (max of 7 days per policy) WORTH P100.00/dayHospital Income Rider due to accident (max of 7 days per policy) WORTH P200.00/dayHospital Income Rider due to accident (max of 7 days per policy) WORTH P300.00/day

AGE ELIGIBILITY: 18 to 69 years old

Para po sa inyong mga katanungan, magtungo po sa ating opisina sa Ground Floor Main Office at hanapin si Ms. PIA at Ms. LEZEIL sa Caloocan-NOVADECI Camarin Branch.



SOCIAL SECURITY SYSTEM

Sa ating mga kamay-ari na nahinto at nais ipagpatuloy ang kanilang paghuhulog sa SSS, ay puwede ng pumunta sa opisina upang ipagpatuloy ito. Sa ating mga kamay-ari naman na self employed na nais magkaroon ng SSS ay pumunta lamang sa opisina upang ma proseso ang inyong  voluntary membership contribution. Magsadya lamang sa ground floor, Allied Department at hanapin si Ms. Beverly Libertad.


PANALANGIN

Diyos na makapangyarihan, pinupuri at sinasamba ka namin O Diyos na banal napakabuti mo sa amin sa lahat ng sandali. Lagi kang nakaagapay sa amin habang patuloy kaming naglalakbay sa daigdig na iyong kaloob. Subalit sa kabila ng iyong kabutihan Ama, patuloy pa rin kaming nakakalimot sa iyo. Patawad, Ama, patawad. Tanggapin mo ang taos puso naming pagsisisi sa aming mga pagkakasala kaalinsabay ng pag-usal ng panalangin ng pasasalamat sa iyo dahil hindi mo kami pinababayaan. Salamat Ama sa biyaya, salamat sa kapanatagan ng isipan sa mapayapang buhay at higit sa lahat sa patuloy na pagpapahiram mo sa amin ng buhay na aming taglay. Isinasamo namin sa iyo sa walang hanggang pagmamahal mo sa amin na huwag mo kaming bibitawan nang sa gayon ay hindi kami malihis ng landas. Nawa, bawat isa sa amin ay makasunod sa dakila mong kalooban. Hinihiling namin ito sa matamis na pangalan ng iyong anak na si Hesukristo kasama ng Banal na Espirito Santo Diyos magpasawalang hanggan, Amen.

Posted in News Gram by Edison Bacarisas