News Gram: June 2018

June 6, 2018

-June, 2018 Issue No. 43-

NEWS UPDATES

 

PAGPUPUGAY SA AMA NG TAHANAN

Unang ipinagdiwang ang Father’s Day noong ika-19 ng Hunyo taong 1910.
Ayon sa paniniwala, unang ipinagdiwang ito sa Washington na pinangunahan ni Sonora Dodd, bilang pagbibigay-pugay sa kanyang ama. Ipinagdiriwang na noon ang Mother’s Day tuwing Mayo, at dahil siya ay wala nang ina (na  namatay sa panganganak), naisip nyang ipagdiwang ang Father’s Day para sa kanyang ama na tumayong magulang sa kanilang magkakapatid.
Bagaman iba’t ibang petsa ang pagdiriwang nito sa iba’t ibang parte ng mundo, karamihan sa mga bansa, kabilang  ang Pilipinas, ay ipinagdiriwang ito tuwing ika-3 Linggo ng Hunyo (3rd Sunday of June).
Ngayong taon, atin itong ipagdiriwang sa June 17, 2018.
Bilang pagbibigay-pugay at pasasalamat sa mga
Ama ng tahanan, tayo ay magkakaloob ng mga
sumusunod sa JUNE 25, 2018 (MONDAY)
  • Free Blood Uric Acid (BUA) screening
  • Free Blood Sugar screening
  • Free Bone Scan
  • Free Prostate Check-up (June 21, 2018)
UNANG DALAWAMPUNG (20) TATAY


PAALALA: MAG-INGAT SA BUDOL-BUDOL

Sila ang mga taong nagagawang magnakaw sa pamamagitan ng pagkuha ng inyong tiwala. Lalapitan ang biktima na umaaktong humihingi ng tulong upang makuha ang tiwala ng biktima at unti-unti ay nakukuha nila ang gusto nila. Madalas ay makikitawag ito na umaaktong may importanteng tawag hanggang sa tatangayin na ang cellphone ng biktima. Kaya’t huwag basta basta magtitiwala. Maging mapanuri sa lahat ng oras.


INAANYAYAHAN ANG MGA KASAPING NAGNANAIS MAGING PUROK LEADERS SA MGA SUMUSUNOD NA AREA:

  1. Brgy. bagbag
  2. brgy. san bartolome
  3. brgy. talipapa, q-hway at sangandaan
  4. brgy. baesa at balon-bato
  5. brgy. 175 at 174 camarin
  6. brgy. commonwealth
  7. tandang sora
  8. lagro
  9. muÑoz
  10. FAIRVIEW

KWALIPIKASYON:

  • kasaping nasa mabuting katayuan (MIGS)
  • may malakas na pangangatawan
  • nakatira sa NABANGGIT NA AREA
  • ang edad ay hindi hihigit sa animnapung (60) taong gulang

Magsadya lamang sa 5th floor, edcom, main office at hanapin si Dir. Nena Espinola – EDCOM Chairperson.



NOVADECI MEMBERS SOCIAL BENEFIT (NMSB) ABULUYAN

Para sa kaalaman ng lahat ang ating huling pagsasaayos ng negative sa Abuluyan ay hanggang sa December 2018 na lamang.  Kung sakaling hindi ninyo ito mababayaran, kayo ay ituturing  nang bagong kasapi ng NMSB. Kasabay ng pagkawala ng inyong pagkakataong mapakinabangan ang mga serbisyo tulad ng exemption sa pag-abuloy, cash Advance na 50,000.00, pension at disability. Kaya’t amin pong inaanyayaran ang lahat na magtungo sa opisina upang mapag-usapan ang inyong mga account.
Nais po naming ipabatid na ang ICPR at Christmas give away ay ilalaan sa pondo ng inyong abuluyan at ituturing kayong bagong kasapi sa taong 2019.  Ang kapasyahang ito  ay iiral sa unang araw ng 2019. Hinihiling namin ang inyong pakikipagtulungan.

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Sa ating mga kamay-ari na nahinto at nais ipagpatuloy ang kanilang paghuhulog sa SSS, ay puwede ng pumunta sa opisina upang ipagpatuloy ito. Sa ating mga kamay-ari naman na self employed na nais magkaroon ng SSS ay pumunta lamang sa opisina upang ma proseso ang inyong  voluntary membership contribution. Magsadya lamang sa ground floor, Allied Department at hanapin si Ms. Beverly Libertad.


COOPERATIVE RICE

Patuloy po nating tangkilikin ang ating coop rice. Ang ating mga bigas ay available sa packaging: 2kls, 5kls at 25kls. Varieties: Well Milled Rice, Sinandomeng, Super Angelica, IR-64 (Premium Graded) at Jasmine sa mababang halaga. “Natulungan na natin ang ating mga magsasaka, natangkilik pa natin ang    serbisyo ng ating kooperatiba.”Puwede rin i-avail ang rice loan at maaaring bayaran sa loob ng isang buwan.


PAUNAWA – CHANGE OF STATUS

Sa mga kamay-ari na nagkaroon ng pagpapalit ng status, pangalan, tirahan, cellphone number, dependents at beneficiaries, magsadya lamang sa Ground floor, Allied Department, Main Office at hanapin si G. Christian Conejar upang ma-update. Mahalagang ma-update ang mga ito upang maiwasan ang anumang problema sa mga susunod na panahon.



MAG-IMPOK HABANG BATA – “Maging malaya sa pananalapi”

Katagang madalas nasasambit ng mga matatanda dahilan sa ito’y napagdaanan na nila at nagkaroon ng malaking aral sa kanila.

 

Ikaw ba ay isang tunay na NOVADECIAN? Patunayan ito, sapagkat ang tunay na NOVADECIAN ay may ipon at seguardo sa kanyang pagtanda.

 

Tangkilikin ang mga serbisyo at produkto ng ating kooperatiba.

Maging aktibo sa pakikibahagi sa ating mga serbisyo at produkto na kung saan ito ay magiging malaking bahagi para sa kapakanan sa hinaharap. Tulad ng mga sumusunod na serbisyo:

 

  • SAVINGS DEPOSIT na may .70% na taunang interest
  • PREFERRED SHARE CAPITAL na may katumbas ng ICPR / Annum (Retirement Benefit, non withdrawable for 5 years)
  • NOVADECI HEALTH CARE PROGRAM – Free Check-up, Hospitalization Benefit, Annual Laboratory Test, etc.
  • TIME DEPOSIT – Invest, Wait and Earn (up to 3.25% interest rate)
  • NOVADECI MEMBERS SOCIAL BENEFIT – Pension Benefit, Death Benefit (Max. of P250,000)
  • INSURANCE – maging insured sa halagang P100-P1,000.

 

Hindi pa huli ang lahat. Ito ang araw ng simula, maglaan ng ipon para sa kapakanan mo at ng inyong pamilya sa panahong tayo ay mawala sa mundo. Ang pamilya ay magpapatuloy ang buhay dahil sa ating maiiwan sa kanila.

 

Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na sangay ng NOVADECI sa inyong lugar.



TAGUMPAY NG NOVADECI, 
TAGUMPAY NG KASAPI
Bilang pagpupugay sa ating lahat, nais naming ibahagi sa mga kamay-ari, na ang ating NOVADECI ay ginawaran ng mga parangal nitong nakaraang mga Federation General Assembly na ginanap noong Mayo ng taong kasalukuyan. Ang mga Federation na ito ay ang mga sumusunod:
TAGCODEC (Tagalog Cooperative Development Center)
  1. Highest Coop-Pesos Rating for the Year 2017
  2. 2nd Highest Percentage Growth in Net Surplus for the Year 2017
  3. Highest Number of Delegates (9 Delegates)
  4. Highest Paid Up Share Capital
CLIMBS (Coop Life Insurance and Mutual Benefits Services)
  1. 2017 Top Producer Award
  2. Fresh Capital Infusion
CIFL (CLIMBS Institute for Financial Literacy)
  1. Increase of Contribution to the Institute Training Fund
NATCCO (National Confederation of Cooperatives)
  1. Top Training Patron for the Year 2017
NCMF (National Cooperative Marketing Federation)
  1. Highest Number of Participants
  2. Top member – Rice Distributor
Muli, binabati namin ang bawat kamay-ari sa ating tagumpay na nakamit! Ang NOVADECI ay patuloy na magbibigay ng magandang serbisyo sa ating organisasyon para sa ikakaunlad pa nating lahat. Tagumpay ng NOVADECI ay tagumpay din nating mga KAMAY-ARI. Mabuhay ang NOVADECI!


MEDICAL SCHEDULES
MAIN OFFICE – Monday to Saturday
•Medical Clinic – 7am to 4pm
•Laboratory Services – 7am to 5pm
•Pharmacy Services – 7am to 6pm
•Pulse Tron Services – 8am to 5pm
•NHCP APE Services – 7am to 10am
•Radiology Services – 8am to 5pm
CAMARIN BRANCH
Tuesday, Wednesday, Saturday
10am to 3pm


SORPRESANG HANDOG

para sa mga magdadagdag ng Share Capital o Preferred Share at tatangkilik sa mga serbisyo ng NOVADECI tulad ng bigas, SSS, Insurance, Pharmacy products at iba pa.



PANALANGIN

Amang banal, aming Panginoon, sinasamba at pinapupurihan ka namin sa iyong kabutihan. Dakila ang iyong pangalan kaya karapat-dapat at alayan ng pagsamba. Salamat Panginoon sa lahat ng biyayang aming natatanggap at maging pag-iingat mo saan man kami mapadako. Hinihingi din po namin ng kapatawaran sa inyong harapan ang aming mga nagawang kasalanan sa hindi namin pagiging tapat sayo at sa aming kapwa. Tulungan mo po kaming makasunod sa inyong banal na kalooban. Pagpalain mo nawa ang aming buhay sa araw-araw, gabayan sa lahat ng desisyon na aming gagawin. Ibuhos mo po ang masaganang biyaya maging sa aming kooperatiba at bawat kasapi nito. Panginoon, maraming salamat po sa walang hanggang pag-ibig Mo sa amin. Ito ang aming samo’t dalangin sa pangalan ni Hesus, Amen.

Posted in Uncategorized by Edison Bacarisas