News Gram: January 2018

January 19, 2018

-January, 2018 Issue No. 38-

NEWS UPDATES

 

MEMBERSHIP MONTH

Ang buwan ng January ay itinalagang buwan ng kamay-ari ng ating pamunuan. Bilang pagtalima sa kautusang ito, nais po namin kayong bigyan ng pagkakataong maisaayos ang inyong record sa NHCP at NMSB ng walang penalty at enrolment fee. Tunghayan ninyo ang mga pamamaraan kung paano kayo magiging Member in Good standing at makahabol sa cut-off ng mga dadalo sa General Assembly. Mayroon po tayong pagkakataon na maging active sa NOVADECI Health Care Program (NHCP) at NOVADECI Members Social Benefit (NMSB). Tunghayan ang mga panawagan sa iba’t ibang serbisyo.
Halina’t  magsadya sa  iba’t ibang sangay ng ating opisina upang alamin ang inyong mga status ng membership. Mahalaga ang bawat isa kaya’t hindi kami nagsasawang magpaalala sa inyo.  Nalalapit na po ang ating General Assembly, inaasahan naming makasama kayo na mahalagang pagtitipon na ito.
Maging maagap upang maiwasan ang aberya sa mga susunod na panahon.
Para sa karagdagang detalye ay maaring magsadya sa pinakamalapit na opisina ng novadeci o tumawag sa mga bilang na sumusunod:
MAIN OFFICE/NOVALICHES :  5762667
CAMARIN :  9620426/9629694
B.SILANG :  9628195/3516266
T.SORA :  5172540/7386247
MUNOZ :  4107118/3767308
FAIRVIEW :  4617276/4318270
LAGRO :  9386527/7965043


OWNERSHIP MEETING 2018

Happy new year po sa lahat, Nawa’y naging masaya ang inyong pagdiriwang ng ating kapaskuhan. Sa pagumpisa ng taon nais namin maayos na mapag-usapan ang nais marating  ngayon 2018. Bahagi ng pagkunsulta sa inyo, ang  ating Ownership Meeting po ay naka schedule ngayong January 26 at 27 sa mga kasapi sa Quezon City na gaganapin muli ng 2 beses sa isang araw. Magsisimula sa ganap na alas 8:30 ng umaga hanggang 11:30  ang  first batch at second batch ay alas 2 hanggang alas 5 ng hapon. Ganoon din sa  Jan. 27. Isang beses lang po pwedeng dumalo upang mabigyan ng pagkakataon ang iba.  Para po sa mga taga Caloocan  may schedule din po tayo sa Feb. 3, 2018   parehas na oras ang simula at    dalawang batch din po.  Nawa’y mailagay ninyo sa inyong mga schedule ng maaga.
Layunin po nitong maliwanagan ang inyong mga katanungan at magkaroon ng pag-uulat sa inyo sa mga kaganapan  sa taong 2017. Nais po nating maibsan ang paghaba ng diskurso sa General Assembly  kaya’t minarapat ng pamunuan na magkaroon ng regular na ownership meeting para mapakinggan ang inyong mga suhestyon at hinaing.
Bukas po ito sa lahat ng kasama.  Halina’t dumalo at makiisa sa mga gawain ng ating samahan, upang ganap na maunawaan natin ang ating gampanin sa  NOVADECI.


NMSB CORNER

Ang NMSB ay isa sa pangunahing serbisyo ng ating kooperatiba, dito tayo ay magkaroon ng benepisyo para sa  buhay at benepisyo para sa mga naulila. Kung tayo ay naging  masigasig sa paglalagay ng sapat na pondo sa ating nmsb/abuluyan, maari nating mapakinabangan sa oras ng pangangailangan ang benepisyong mula sa nmsb/abuluyan .
Sa buwan ng enero  tinatawagan ang mga kasapi na may malaking negatibong pondo sa nmsb/abuluyan.  ito na ang pagkakataon upang maisaayos ito ng walang babayarang penalty  at  tatanggap ng kaukulang  benepisyo.
NMSB/ABULUYAN  =  AMNESTY
MAGBAYAD NG BUONG BALANCE =  0% PENALTY
MAG ENJOY NG BENEPISYO (PAGTANDA (PENSION) / CASH ADVANCE BENEFIT = P50,000.00)


NHCP CORNER

Ang kalusugan ay kayaman  – bilang mga novadecian ay nais natin na mapangalagaan ang kalusugan ng ating  kasapi.  Ito ang pangunahing layunin ng (NHCP)  NOVADECI  Health Care Program na may (3) opsyon upang mapakinabangan:
“LIBRE ANG MEMBERSHIP FEE NA P200.00=PARA SA ENERO”
MAGBAYAD SA (3) OPSYONBENEPISYONG MAARING MATANGGAPSA KASAPI NA HINDI NAKA-PAG AVAIL NG HOSPITALIZATION BENEFIT
P600.005,000 – 10,000 max. benefit (ayon sa binayaran sa ospital)Libreng lab.test (urinalysis at FBS)
P1000.005,000 – 10,000 max. benefit (ayon sa binayaran sa ospital)Annual Physical Exam – complete lab.test
P1,500.007,500 – 15,000 max. benefit At Insurance benefit = 5,000 (death due to accident)Annual Physical Exam – complete lab.test

Hikayatin natin ang kapwa kasapi na mag bayad taon taon ng NHCP – upang makapag-avail ng benepisyo sa panahon ng pagkakasakit, ang pagiging kasapi sa nhcp ay isang paraan din upang tayo ay mapabilang sa kasaping nasa mabuting katayuan (MIGS member).



 

Social Security System

SA GAGANAPIN NA “OWNERSHIP MEETING” MULA ENERO 26 – 27, 2018, MAGBIBIGAY PO TAYO NG LIBRENG “NOVADECI WALLET” SA MGA FIRST TIMER NA MAG-AAPLY NG SSS-E1.

 

COOP Rice

PATULOY PO NATING TANGKILIKIN ANG ATING COOP RICE! ANG MGA SUMUSUNOD NA VARIETY NG BIGAS AY AVAILABLE SA ATING OPISINA; JASMINE, IR-64(PREMIUM GRADED), SUPER ANGELICA, SINANDOMENG AT WELL-MILLED RICE. PACKAGING: 2KLS, 5KLS, AT 25KLS. PARA SA MGA KATANUNGAN AT KARAGDAGANG MGA IMPORMASYON MAGSADYA LAMANG PO SA MEMBERSHIP AND ALLIED DEPT.,

 



 

CAC CORNER

“Ngayong buwan ng enero ay buwan ng mga kasapi”. Napakagandang pagkakataon upang salubungin natin ang bagong taon na puno ng pag-asa. Ang ating kooperatiba ay may ibat-ibang insurance na inaalok sa ating mga kasapi tulad ng :

 

LIFE INSURANCEBENEPISYO
GADDDI FUSSAP1,000.00300,000.00 (death due to accident)
GADDDIP230.0050,000.00 (death due to accident)
Pa text 1515.005,000.00 (death due to accident)

“Sa maliit na halagang binayaran, seguridad naman ay sigurado.”

 

NON- LIFE INSURANCE 
Kung kayo ay may sasakyan (4 wheels o motor) tiyakin  ang pagkuha ng inyong Comprehensive Car Insurance/ TPL (third party liability), upang sa oras ng sakuna ay siguradong may benepisyong makukuha dahil  ka partner natin ang Climbs (ang subok na insurance ng mga kooperatiba).
Mayroon din tayong Fire Insurance – para sa ating bahay at negosyo  (residential / commercial). Makipag-ugnayan lamang kay Ms. Pia Lachica sa Allied Dept. Ground Floor, para sa mga detalye ukol dito.
” LESS P100.00 PARA SA MGA BAGONG KASAPI NG CAC GADDI FUSSA “


MAHALAGANG PAALALA:
SA LAHAT PO NG MGA KASAPI NA MAGWIWITHDRAW BY REPRESENTATIVE AY KAILANGAN PO NA MAY PIRMA NG DEPOSITOR SA WITHDRAWAL SLIP AT MAY DALANG ID NG REPRESENTATIVE AT MEMBER. ANG IMPLEMENTASYON AY MAGSISIMULA SA OKTUBRE 16, 2017
MARAMING SALAMAT PO.


FUNERAL

Nais po naming ipagbigay alam sa lahat na ang Funeraria Novaliches (Camarin at Novaliches) ay accredited ng NOVADECI. Sa mga may kailangan ng kanilang serbisyo, maaari po lamang na magsadya sa NOVADECI upang mabigyan ng referral at malaman ang halaga ng kanilang serbisyo. Nawa ay makatulong ito sa panahon na tayo’y nagluluksa at hindi malaman ang gagawin. Para sa iba pang katanungan mangyaring tumawag lamang po sa numerong 576-2667 loc.103 at hanapin si Meanne Dela Cruz.



MEDICAL SERVICES SCHEDULE

MAIN OFFICE – Monday to Saturday
  • Laboratory Services – 7am to 5pm
  • Pharmacy Services – 7am to 6pm
  • Pulse Tron Services – 8am to 5pm
  • NHCP APE Services – 7am to 10am
  • Radiology Services – 8am to 5pm

PULSE TRON SS-2000

Ito ay isang medical equipment na nagpoproduce ng pulse wave frequency. Ang ating paa ay may 7,200 nerves o ugat at reflex points. Sa pamamagitan nito ang function ng nerves ay unti-unting binubuhay, pinapaganda ang daloy ng dugo at pinalalakas ang ating mahihinang muscles. Ito rin ay nagpapagaling ng mga chronic at acute na sakit gaya ng diabetes, high blood at iba pa. Sa mga walang karamdaman ay maganda rin ito para makaiwas na po tayo sa mga sakit. “PREVENTION IS BETTER THAN CURE”. Best health and happy life sa lahat.



PANALANGIN

Panginoon naming mahal, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa walang hanggang pag-ibig, paglingap mo sa bawat isa sa amin sa nakaraang taon na lumipas, hindi mo po kami iniwan at pinabayaan. Nawa’y itong Bagong Taon muli ay maranasan namin ang iyong pagsama at pagpapala. Huwag niyo po kaming   pagkulangin sa aming mga pangangailangan sa araw-araw. Pagtagumpayin niyo po kami sa anumang pagsubok na aming haharapin sa aming buhay.
Salamat sa iyong Banal na Espiritu na aming tanglaw at aming patnubay. Idako mo po kami sa tamang landasin mo upang makamtan namin ang biyayang ipinagkakaloob ng iyong anak na si Hesus. Ang bawat isa ay pagpalain at ang aming Kooperatiba upang kami din ay maging pagpapala sa iba. Maraming salamat aming Panginoon. Ito ang aming samo’t dalangin sa pangalan ng aming Panginoong Hesus.
Amen.

Posted in News Gram by Edison Bacarisas